Ogie Diaz, ipinakita ang ipinaayos niyang bahay ng vlogger couple na sina Rochelle at Alvin

Ogie Diaz, ipinakita ang ipinaayos niyang bahay ng vlogger couple na sina Rochelle at Alvin

- Muling binisita ni Ogie Diaz ang vlogger couple na kilala bilang sina Jowa Alvin at Rochelle Vivas

- Noong nakaraang taon, sinadya na sila ni Ogie D at ipinakita ng magkasintahan ang kanilang tirahan

- Nasabi noon ni Ogie na maari niyang ipagawa ang bahay ng dalawa at tinupad nga niya ito

- Walang pagsidlan ng kasiyahan ang dalawa nang matapos na ang ipinagawang bahay ni Ogie D makalipas ang isang taon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa pagbisita muli ni Ogie Diaz sa viral couple na sina "Jowa Alvin at Rochelle Vivas" ipinasilip nila ang ipinagawa nitong bahay.

Nalaman ng KAMI na noong nakaraang taon, una nang dumalaw si Ogie D sa dalawa at nakita nito ang kalagayan ng tahanan ng mga ito.

Ogie Diaz, ipinakita ang ipinaayos niyang bahay ng vlogger couple na sina Rochelle at Alvin
Ogie Diaz, ipinakita ang ipinaayos niyang bahay ng vlogger couple na sina Rochelle at Alvin (Ogie Diaz)
Source: Facebook

"Isa sa mga araw na ito, mag-iiba na ito. Malay mo, ipagawa ko 'to," ang nasabi noon ni Ogie na kanyang tinupad.

Read also

Ogie Diaz, nag-trending ang pag-host ng campaign rally ng Leni-Kiko sa Iloilo

Dahil sa patuloy na pag-iingat ng tao sa COVID-19, bahagyang natagalan ang pagpapagawa ng tahanan nina Alvin at Rochelle.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit sa pagbisita muli ni Ogie D kamakailan, halos maligaw daw siya at malaki ang pagbabago sa bahay ng dalawa.

Halos hindi raw makapaniwala ang magkasintahan na tinupad nga ni Ogie D ang sinabi nito at talagang nagbago ang kanilang pamumuhay.

Kwento pa ni Rochelle, may negosyo na sila na mga lip tint na siyang pandagdag kita na rin nilang magkasintahan.

Tutok na rin sila sa kanilang mga vlogs at TikTok videos lalo na at marami ang nagsasabing napapasaya nila ang mga ito.

Bukod dito, ilang mga OFW at mga subscribers nila o kahit ang mga nakakapanood lamang ng kanilang videos ang nagpapadala ng biyaya sa kanila na labis nilang ipinagpapasalamat.

Read also

Donita Nose, naglipat na ng gamit sa bagong bahay na titirhan nya

Kaya naman ang bilin sa kanila ni Ogie D, pangalagaan nila ang kanilang tirahan na nabuo umano dahil sa mga taong nagbibigyan nila ng kasiyahan.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel