Donita Nose, naglipat na ng gamit sa bagong bahay na titirhan nya

Donita Nose, naglipat na ng gamit sa bagong bahay na titirhan nya

- Tuluyan nang nakapaglipat ng bahay si Donita Nose matapos ang pagsasapubliko nila ni Super Tekla na maghihiwalay na sila sa paggawa ng vlog at maging ng bahay

- Naikwento ni Donita na tapos na ang kontrata ng naunang bahay na tinitrhan nilang magkasama

- Noong una umano ay parehas nilang napagpasyahan na maghanap ng bahay kung saan magsasama pa rin uli sila

- Gayunpaman, hindi na umano pumirma si Super Tekla pagdating ng kontrata para sana sa bahay na kanilang lilipatan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami man ang nalungkot sa paghihiwalay ng tambalang DonEkla in Tandem, may mga natuwa naman para kay Donita Nose na tuluyan na ngang nakalipat ng bahay. Ayon kay Donita, si Tekla talaga ang may desisyon na maghiwalay na sila ng tirahan.

Donita Nose, naglipat na ng gamit sa bagong bahay na titirhan nya
DonEkla
Source: Instagram

Sa kanyang bagong vlog, pinakita ni Donita ang paglipat niya ng kanyang mga gamit sa kanyang bahay na lilipatan. Pinakita niya rin ang ilang bahagi ng kanyang bagong tirahan maging ang mga bagong appliances at gamit na kanyang napamili.

Read also

Pag-akyat ni Vice Ganda sa hagdanan sa labas ng studio, umani ng mga reaksiyon

Matatandaang sa naunang video ay minabuti ng dalawa na sabihin ang tungkol sa kanilang paghihiwalay sa pamamagitan ng isang video.

Narito ang ilan sa mga komento ng pagsuportang netizens kay Donita:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naging mabuti kang kaibigan ni Tekla and you did so much for him. It is about time na hayaan mo siyang tumayo naman sa sariling mga paa niya. Ang mahalaga ay andun parin ang pagkakaibigan niyo. Andiyan parin kayo para sa isat isa anoman ang mangyari.
We will support you all the way Donita. Wag lang sana dumating sa punto na mapariwara na naman sya at kailanganin nya kayo. Sana wag na sya bumalik sa mga dati nyang maling gawain. You did your best. Napaka busilak ng puso mo. Best of luck sa bago mong bahay

Read also

Donita Nose, nag-empake na at ipinasilip ang lilipatang bahay

Ang Mahalaga Ms Donita wag mong dadalhin yung lungkot, o sama ng loob sa pagalis mo at sa bagong lilipatan mo.

Ang Tambalang DoNekla ay unang sumikat sa Wowowin. Kinuhang host ni Willie Revillame si Super Tekla sa rekomendasyon na rin ng kanyang kaibigan at kasama sa comedy bar na si Donita.

Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame. Kinalaunan ay sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na DonEkla.

Binansagan siyang Pambansang Beshy matapos ang pinakita niyang suporta kay Super Tekla nang minsang madawit ito sa matinding kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dati nitong kinakasama.

Kamakailan ay isa si Donita sa tumulong upang mapabinyagan ang anak ni Tekla sa dating kinakasama nitong si Michelle Banaag.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel