Donita Nose, nag-empake na at ipinasilip ang lilipatang bahay

Donita Nose, nag-empake na at ipinasilip ang lilipatang bahay

- Nag-empake na si Donita Nose at ipinakita na rin ang bagong bahay na kanyang lilipatan

- Hindi na rin niya makakasama ang kanyang ka-tandem na si Super Tekla sa bagong bahay na lilipatan

- Sinabi niyang tila oras na rin niya upang mapag-isa na muna at makapag-focus sa mga goals niya ngayong 2022

- Matatandaang inanunsyo na ng 'Donekla in Tandem' ang kanilang paghihiwalay at nag-live din sila kamakailan sa YouTube upang magpaliwanag kung ano talaga ang nangyari sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakapag-empake na si Donita Nose at ipinakita na rin niya ang lilipatang bahay na hindi na kasama ang ka-tandem niyang si Super Tekla.

Nalaman ng KAMI na tuluyan na ang paglipat ni Donita sa kanyang bagong titirahan sa paghihiwalay nila ni Super Tekla.

Donita Nose, nag-empake na at ipinasilip ang lilipatang bahay
Donita Nose (Photo: Donita Nose Vlogs)
Source: Facebook

Matatandaang sa kanilang 'Donekla in Tandem' Facebook page, inanunsyo ng dalawa na wala na umano ang kanilang tandem at kamakailan lamang sila nakapagpaliwanag kung ano ang dahilan at iba pang mga kaganapan.

Sa bagong vlog ni Donita sa sarili niyang channel na Donita Nose Vlogs, ipinakita niya ang mga kaganapan sa paghahakot nila ng gamit mula sa dati nilang tirahan ni Super Tekla.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Siguro kailangan ko na rin munang mag-isa, foocus sa mga bagay na kung ano 'yung gusto kong goal ngayong 2022," ani Donita.

Malaki rin ang pasasalamat niya dahil sa pagbubukas pa lang ng taon, marami na siyang proyektong gagawin.

Narito ang kabuuan ng video:

Ang 'Donekla in Tandem' ay binubuo ng mga komedyanteng sina Donita Nose at Super Tekla. Matatandaang nagkasama ang dalawa sa programang 'Wowowin' ni Willie Revillame kung saan pumatok ang kanilang pagpapatawa.

Kasalukuyan na silang mayroong 3.19 million subscribers sa kanilang YouTube channel kung saan marami silang mga napapatawa, npapaiyak at nai-inspire din sa mga video na kanilang naibabahagi linggo-linggo noon.

Subalit noong January 30, inakala ng lahat na prank lamang ang post nina Tekla at Donita sa kanilang social media kung saan una nilang inanunsyong hiwalay na ang kanilang tandem.

Kamakailan ay nag-YouTube live ang dalawa upang bigyang linaw ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Nakiusap na rin si Donita lalo na sa mga fans ni Tekla na huwag umano siyang sisihin at 'durugin' sa nangyari sa kanila ng ka-tandem. Maging si Tekla ay iyon din ang pakiusap sa publiko sa kanilang tuluyang pagkakanya-kanya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel