Donekla in Tandem, sa 3 linggong walang upload sa YT channel; "Maghiwalay na muna talaga"

Donekla in Tandem, sa 3 linggong walang upload sa YT channel; "Maghiwalay na muna talaga"

- Nag-live sa kanilang YouTube channel ang 'Donekla in Tandem' na sina Donita Nose at Super Tekla

- Ito at matapos na i-anunsyo nila kamakailan na hiwalay na muna sila sa kanilang channel

- Ipinaliwanag ng mabuti nina Donita at Tekla ang mga nangyari at sinabing 'break' muna sila habang pinag-iisipan kung kakayanin pa nilang ibalik ang kanilang pagsasama

- Inakala pa ng mga netizens na prank lamang ito ng dalawa subalit natapos ang kanilang live sa pagsasabi nilang magkanya-kanya na muna sila sa kani-kanilang mga channel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Humarap na sa publiko sina Donita Nose at Tekla upang bigyang linaw ang una na nilang nai-post sa kanilang page na hiwalay na umano ang Donekla in Tandem.

Nalaman ng KAMI na umabot ng tatlong linggo na walang upload ang YouTube channel ng dalawa na may mahigit 3 million subscribers na.

Read also

Kim Chiu, nawindang matapos mapunit ang Chanel niyang sombrero

Donekla in Tandem, sa ilang linggong walang upload sa YT; "Maghiwalay na muna talaga"
Donekla in Tandem, sa ilang linggong walang upload sa YT; "Maghiwalay na muna talaga"
Source: Facebook

Sa kanilang live, unang nagsalita si Donita patungkol sa nangyayari sa kanila ni Tekla na aminado siyang hindi na niya kinakaya.

Aniya, wala umano sa kanya ang problema gayung ibinigay niya ang lahat sa kanilang channel subalit si Tekla umano ang wala sa focus sa kanilang ginagawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ano pa't sinabi nating Donekla in Tandem kung wala akong ka-tandem? Ka-tendem ko lang sa camera, Ka-tandem ko lang sa ganyan, hindi naman pwedeng ganun. Kaya nga may tandem, tulungan sana. Pero hindi e, 'di ba?" paliwanag ni Donita.

Sinabi nitong halos lahat ng naging content ng kanilang vlog ay siya ang nakaisip habang si Tekla ay pupunta na lamang at gagawin ang vlog subalit minsan ay nagmamadali pa ito at tila wala umanong dedikasyon sa kanyang ginagawa.

Read also

Donita Nose, nag-empake na at ipinasilip ang lilipatang bahay

"Kung alam niyo lang, ako halos lahat. Alam ko maraming nagmamahal kay Tekla hindi ko matatanggal 'yun, ok mahal niyo siya. Charming siya sa inyo e. Pero sa trabaho, ako po lahat diyan," nasabi ni Donita habang siya ay napaiyak na.

Maging si Tekla ay napagod na umano sa nangyayari sa kanila ni Donita. Aniya, magulo raw talaga ang kanyang isip na sinegundahan naman ni Donita kaya umano hindi nakaka-focus ang kanya sanang ka-tandem.

"Basta, napagod na rin ako. Magulo ang isip ko guys. Maghiwalay na muna tayo," bungad ni Tekla nang siya naman ang binigyan ng pagkakataong magsalita.

"'Di ko alam kung masi-save pa 'to mga ka-tandem, itong channel na ito. Kasi pinag-iisipan pa namin kung anong pwedeng gawin. Kung kaya bang isalba, kaya pang mag-work ulit," dagdag pa ni Tekla.

Kinumpirma na rin ng dalawa na hindi na sila magkasama sa bahay matapos nilang umalis sa dati nilang tinitrahan kamakailan.

Read also

Megan at Mikael, nilihim muna ang kasalan; "Nalaman nila, kasal na kami"

Narito ang kabuuan ng pahayag nina Tekla at Donita:

Ang 'Donekla in Tandem' ay binubuo ng mga komedyanteng sina Donita Nose at Super Tekla. Matatandaang nagkasama ang dalawa sa programang 'Wowowin' ni Willie Revillame kung saan pumatok ang kanilang pagpapatawa.

Kasalukuyan na silang mayroong 3.19 million subscribers sa kanilang YouTube channel kung saan marami silang mga napapatawa, napapaiyak at nai-inspire din sa mga video na kanilang naibabahagi linggo-linggo noon.

Subalit noong January 30, inakala ng lahat na prank lamang ang post nina Tekla at Donita sa kanilang social media kung saan una nilang inanunsyong hiwalay na ang kanilang tandem.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel