Donita Nose, na-stress sa prank ni Tekla; "Tanghaling tapat, hina-high blood mo ko!"

Donita Nose, na-stress sa prank ni Tekla; "Tanghaling tapat, hina-high blood mo ko!"

- Na-stress nang husto si Donita Nose sa ginawang paghihiganti umano sa kanya ni Super Tekla

- Nakasabwat niya kasi ang ahente umano ng kanilang tinitirhang bahay at kunwaring tumalbog ang mga tseke na ibinayad ni Tekla

- Lumalabas na limang buwan daw silang hindi nakababayad ng bahay gayung aalis at lilipat na rin sila sa katapusan ng buwan

- Paniwalang-paniwala si Donita at talagang nagkataasan na sila ng boses ng kanyang ka-tandem

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talagang na-high blood daw si Donita Nose sa ginawang paghihiganti umano sa kanya ng ka-tandem niyang si Super Tekla.

Nalaman ng KAMI na nagawa niyang i-prank si Donita at may kasabwat itong ahente na magsasabing hindi nakakabayad ng limang buwan ang magka-tandem.

Donita Nose, na-stress sa 'ganti' ni Tekla; "Tanghaling tapat, hina-high blood mo ko!"
Donita Nose at Super Tekla ( Photo from Donekla in Tandem)
Source: Facebook

Si Tekla kasi ang naka-toka sa buwanang pagbabayad nila ng kanilang tirahan at pinalabas nilang tumalbog ang ilang tsekeng naibayad nito.

Read also

Negosyanteng sinadya sa Pangasinan si Lolo Narding, nagbigay ng update

Palalabasin nilang limang buwang hindi nakabayad ang dalawa na aabot sa Php300,000 ang kabuuang halaga.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinadya ni Tekla na gawin ang prank na wala siya sa bahay para si Donita ang madatnan ng kasabwat niyang ahente.

Habang ipinaliliwanag ng ahente ang kunwaring nangyari sa pagbabayad ng bahay, kitang-kita ang agad na pagkabalisa ni Donita.

Nang malaman pa nitong kailangan na nilang bayaran ang halagang Php300,000 sa loob ng dalawang araw, agad na itong napatawag kay Tekla at agad niyang pinauwi ito sa kanilang bahay.

Humantong talaga sa sagutan ang kanilang diskusyon dahil inakala talaga ni Donita na totoong nagamit ni Tekla ang perang dapat nilang ipambayad sa kanilang bahay.

Labis kasing nag-alala si Donita gayung paalis at lilipat na rin sila sa ibang tirahan sa katapusan ng buwan.

Read also

Willie Revillame, pinasilip ang kanyang hotel-resort sa Tagaytay

Sa tindi ng galit, nasabi pa ni Donita na magkanya-kanya na muli sila ng bahay.

Kaya naman nang sabihin ni Tekla na isa lamang itong prank, napatulala si Donita na tila nahimasmasan sa nangyari.

Narito ang kabuuan ng vlog mula sa YouTube channel nilang Donekla in Tandem:

Ang 'Donekla in Tandem' ay binubuo ng mga komedyanteng sina Donita Nose at Super Tekla. Matatandaang nagkasama ang dalawa sa programang Wowowin ni Willie Revillame. Kasalukuyan na silang mayroong 3.12 million subscribers sa kanilang YouTube channel.

Sa pagdiriwang ni Tekla ng kanyang kaarawan kamakailan, hinangaan siya ng marami nang sabihing ang regalo sa kanya ni Donita ay ilalaan niya agad para sa pangangailangan ng kanyang anak na si Angelo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel