Negosyanteng sinadya sa Pangasinan si Lolo Narding, nagbigay ng update

Negosyanteng sinadya sa Pangasinan si Lolo Narding, nagbigay ng update

- Nagbigay na ng update ang negosyanteng si Shiwen Lim patungkol sa pagtulong niya kay Lolo Narding Floro

- Mula nang makita niya ang post tungkol kay Lolo Narding na inaresto sa pagkuha umano ng mangga, agad na nagsabing tutulong si Shiwen

- Kinabukasan, matapos makita ang viral post ay agad na nagtungo ng Pangasinan si Shiwen para personal na magpaabot ng anumang tulong na kakailanganin ni Lolo Narding

- Aniya, hindi pa roon nagtatapos ang pagtulong na gagawin niya at nakasubaybay din siya sa itatakbo ng kaso nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagbigay na ng kanyang update ang negosyante at vlogger na si Shiwen Lim patungkol sa sinapit ng 80-anyos na si Narding Floro.

Matapos kasing makita ang viral post patungkol kay Lolo Narding na inaresto dahil sa umano'y pagkuha nito ng mangga, agad na nagpahayag si Shiwen na tutulungan niya ang matanda.

Read also

Lolang namumuhay mag-isa, natulungan ng RTIA dahil sa mabuting kapitbahay

Negosyanteng sinadya sa Pangasinan si Lolo Narding, nagbigay ng update sa kaso nito
Si Lolo Narding kausap si Shiwen Lim (Photo from Shiwen Lim TV)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isang araw matapos niyang makita ang viral post ay agad silang nagtungo sa Asingan, Pangasinan at sinadya talaga si Lolo Narding.

Isa siya sa mga nagkumpirmang nakalaya pansamantala ang matanda dahil sa piyansang iniabot nila at ng iba pang mabubuting kalooban na nagmalasakit sa matanda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, bibigyan din niya ng pangkabuhayan si Lolo Narding kaya naman hindi pa nagtatapos doon ang pagtulong na kanilang ibinigay.

"Kame na bahala kay tatay at bibigyan naten sya ng pangkabuhayan. Godbless sa lahat ng nag pray at sumama sa laban na ito para kay Narding Floro"
"Hindi pa tayo tapos, next time iiyak na si lolo sa tuwa sa mga biyaya"

Narito ang kabuuan ng kanyang update:

Gumulantang sa publiko ang mga larawan ni Lolo Narding na inaresto dahil lamang sa pagkuha ng mga mangga na siya naman 'di umano ang nagtanim.

Read also

Tinderong natulungan ni Basel Manadil, naisip na ibahagi agad ang biyaya

Nabanggit niyang nais na sana niyang bayaran ang mga nakuha para na lamang makipagkasundo sa nagsasabing 'may-ari' nito ngunit anim na libong piso raw ang hinihingi ng mga ito.

Samantala, parami nang parami ang mga taong nais na magpaabot ng tulong kay Lolo Narding. Ilan sa mga ito ay sina Ryza Cenon, Xian Gaza at ang negosyante at vlogger na kilala sa pagtulong na si Shiwen Lim ng Sabrinacio Clothing and Footwear.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel