80-anyos na inaresto sa umano'y pangunguha ng mangga, makalalaya na

80-anyos na inaresto sa umano'y pangunguha ng mangga, makalalaya na

- Makalalaya na si Lolo Narding Floro, ang 80-anyos na inaresto sa pagnanakaw 'di umano ng mangga

- Marami umano ang nag-ambagan para sa piyansa kabilang na ang mga pulis sa istasyon kung nasaan si Lolo Narding

- Isa rin ang negosyante at vlogger na si Shiwen Lim sa mga nagsadya pa sa Pangasinan Asingan Police Station para personal na magbigay ng tulong sa lolo

- Ayon kay Lolo Narding, nais na lang sana niyang makipagkasundo subalit nauwi pa ang insidente sa pag-aresto sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Makalalaya na ang 80-anyos na lolo na si Narding Floro na inakusahan umano ng pangunguha ng mangga.

Nalaman ng KAMI na inaresto si Lolo Narding na kumuha lamang ng mangga na kanya naman daw talagang tinanim.

80-anyos na inaresto sa pangunguha ng mangga, makalalaya na
Lolo Narding Floro (Photo: Russel Simorio GMA/ Asingan Police Station)
Source: Facebook
"Pinapitas ko 'yong isang puno ng mangga, wala pang sampung kilo. Ang alam ko sakop namin. Nung binakuran nila, sinakop naman na nila pero tanim ko naman 'yon" giit ng matanda.

Read also

Video ng pag-uwi ni Lolo Narding sa bahay matapos ikulong ng 1 week, nag-viral

Subalit dahil sa marami ang nagmalasakit kabilang na ang mga pulis sa mismong Asingan Police Station, nakapag-ambagan na ang mga ito para makapagpiyansa si Lolo Narding ng halagang Php6,000.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa na rin sa agad na nagsabing tutulong sa matanda ang negosyante at vlogger na si Shiwen Lim na nagsadya pa talaga sa Pangasinan upang personal na magbigay ng tulong kay Lolo Narding.

"Pinakulong niyo dahil sa mangga? Paki-send full address ni tatay at kung saan siya naka-detain. Sagot ko na pang-piyansa niya bibigyan ko pa ng hanapbuhay para 'di nakakahiya sa nagpakulong sa kanya."

Sa kanyang pinakahuling update, nakarating na sila sa Asingan police station at naghihintay na lamang ng visiting hours upang makausap mismo si Lolo Narding at maabutan ng tulong.

Gumulantang sa publiko ang mga larawan ni Lolo Narding na inaresto dahil lamang sa pagkuha ng mga mangga na siya naman 'di umano ang nagtanim.

Read also

Video ng pagdagsa ng tulong sa 80-anyos na naaresto sa pagkuha ng mangga, viral na

Nabanggit niyang nais na sana niyang bayaran ang mga nakuha para na lamang makipagkasundo sa nagsasabing 'may-ari' nito ngunit anim na libong piso raw ang hinihingi ng mga ito.

Samantala, parami nang parami ang mga taong nais na magpaabot ng tulong kay Lolo Narding. Ilan sa mga ito ay sina Ryza Cenon, Xian Gaza at ang negosyante at vlogger na kilala sa pagtulong na si Shiwen Lim ng Sabrinacio Clothing and Footwear.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel