Megan at Mikael, nilihim muna ang kasalan; "Nalaman nila, kasal na kami"

Megan at Mikael, nilihim muna ang kasalan; "Nalaman nila, kasal na kami"

- Masayang ikinuwento nina Megan Young at Mikael Daez ang rason kung bakit hindi agad nalaman ng kanilang pamilya ang kanilang engagement at maging ang kanilang pagpapakasal

- Nagkasundo silang hindi na ito sabihin agad lalong-lalo na raw sa kani-kanilang mga ina

- Taong 2014 pa sila engaged subalit wala pa manlang kumpirmasyon sa publiko na magkasintahan na sila

- Makalipas lamang ang tatalong taon saka lamang nila kinumpirma ang kanilang relasyon at tuluyan nang nagpakasal noong 2020

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakapanayam ni Toni Gonzaga ang showbiz couple na sina Megan Young at Mikael Daez.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga napagkuwentuhan nila ay kung bakit hindi ipinaalam agad ng dalawa ang kanilang relasyon, engagement at maging ang kanila mismong kasal.

Megan at Mikael, 'di pinaalam sa pamilya ang engagement; "Nalaman nila nung kasal na kami"
Megan Young at Mikael Daez (Toni Gonzaga Studios)
Source: Facebook

Taong 2014 pa nang ma-engaged na ang dalawa. Subalit nang mga panahong iyon, iilang mga tao pa lamang ang nakakaalam na mayroon silang realsyon.

Read also

AJ Raval, hinamon ang kanyang mga bashers na mag-comment sa kanyang post

Umabot pa ng taong 2017 nang isinapubliko nilang magkasintahan nga sila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hanggang sa ginulat na lamang nila ang mga netizens nang mag-post si Mikael noong 2020 na kasal na pala sila ni Megan.

Ayon sa dalawa, napagkasunduan nilang hindi na sabihin pa muna sa publiko ang mga kaganapan sa kanila.

Maging ang engagement ay hindi na rin nalamang agad ng kani-kanilang mga pamilya.

"Actually napag-usapan namin talaga na hindi sabihin sa families specifically our moms," ani Megan.

"'Pag nalaman ng mommy ko, 'pag nalaman ng mommy niya, alam na ng buong mundo," paliwanag naman ni Mikael.

"Ang we also didn't know kung papaano namin gustong gawin 'yung wedding namin at that point... Para wala nang stress, 'wag na lang muna nating sabihin sa lahat," dagdag pa ni Megan.

Read also

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, pinakita ang unboxing ng mga regalo sa baby shower

"We did not announce any engagement, in-announce namin nung kasal na kami," halos sabay nilang nasabi.

Matapos ang seremonya ng kasal nila noong 2020, agad na nag-post ng kanilang wedding photo si Mikael sa kanyang Instagram na nagsilbi umanong pormal na anunsyo na Mr and Mrs. Daez na sila ni Megan.

Narito ang kabuuan ng kanilang masayang kwento sa YOuTube channel na Toni Gonzaga Studios:

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang kilalang Filipina singer, television host, actress, producer at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Isa rin siya sa mga kilalang YouTube content creator kung saan na-interview niya ang ilang mga kilalang personalidad sa bansa.

Samantala, si Mikael Daez ay isang aktor, host at modelo habang ang kanyang misis na si Megan Young ang pambato ng bansa sa Miss World 2013 kung saan naiuwi niya ang titulo at korona. Mapapanood din sila sa kanilang YouTube channel.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel