AJ Raval, hinamon ang kanyang mga bashers na mag-comment sa kanyang post

AJ Raval, hinamon ang kanyang mga bashers na mag-comment sa kanyang post

- Sa kanyang Facebook post, hindi napigilan ni AJ raval na magsalita laban sa mga bashers niya

- Hinamon niya ang mga ito na magkomento sa kanyang post at tinawag niya pa itong bonding with bashers

- Nagsimulang dumami ang bumatikos sa kanya nang ma-link siya sa aktor na si Aljur Abrenica na ayon kay AJ sa naunang panayam ay nanliligaw sa kanya

- Muling naging maingay ang usap-usapan kaunay sa kanila nang mamataan silang magkasama nitong Valentines day sa Leyte

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Palaban ang naging komento ni AJ Raval sa kanyang Facebook post na kanyang mensahe para sa kanyang mga bashers. Hinamon niya ang mga ito na magkomento sa kanyang post at tinawag niya pa itong bonding with bashers.

AJ Raval, hinamon ang kanyang mga bashers na mag-comment sa kanyang post
AJ Raval (@ajravsss)
Source: Instagram
Maraming taong mas pinipiling maging bobo kesa piliin na maunawaan at maintindihan ang sitwasyon ng iba. Welcome sa lahat ng bashers comment lang kayo. feel free to bash don’t be shy ilabas nyo yang galit nyo na makakatulong sa buhay nyo at sa ika uunlad ng pilipinas

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami din sa mga komento sa naturang post ang kanyang sinagot. Kabilang na ang isang netizen na nagpapaliwanag kung bakit marami ang hindi pabor sa pagkakaugnay nito sa aktor.

Iniiwas ka lamang sa Lalaking Minsan nang nagloko sa asawa, my god Aj Real talk po hindi man tayo magkakilala or magka mag anak ito lang ay Opinion ko at wag mo. Sana mamasamain. AJ bata ka pa yang aljur na yan may naging asawa may anak na Opo hindi masamang magmahak pag ramdam mo pero sana piliin mo ang magiging ikaka panatag nang magulang mo.

Imbes na seryosohin ang sagot ay sinabi ni AJ na hindi niya umano ito binasa dahil mahaba ang komento.

babasahin ko sana kaso ang haba

Si AJ Raval na anak ng dating matinee idol na si Jeric Raval sa dating actress na si Alyssa Alvarez ay isa sa pinaka in-demand na bagong artista sa kasalukuyan. Unang nakilala si AJ sa kontrobersyal na pelikulang, "Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar" na idinerehe ni Direk Darryl Yap.

Sa isang vlog ay pinakita ni AJ Raval ang kanyang silid sa pamamagitan ng isang virtual tour na umani ng milyon-milyon na views.

Hindi naman naging maganda ang pagtanggap ng ama ni AJ na si Jerick sa kanyang daring na picture na kanyang ibinahagi sa Instagram.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel