Kim Chiu, nawindang matapos mapunit ang Chanel niyang sombrero

Kim Chiu, nawindang matapos mapunit ang Chanel niyang sombrero

- Sa kanilang Valentines Day trip, pumunta sina Xian Lim at Kim Chiu sa ilang lugar na kanilang gusto

- Naranasan nilang dapuan ng mga ibon habang nagpapakuha ng kanilang litrato

- Gayunpaman, nawindang si Kim nang mapag-alamang tinuka ng isa sa mga ibon ang kanyang Chanel na sombrero

- Natawa na lamang sila ni Xian sa sinapit ng pink na bucket hat ni Kim na nagkaroon ng maliit na punit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ni Kim Chiu sa kanyang YouTube channel ang kanilang Valentines Day trip ni Xian Lim. Kabilang sa kanilang napuntahan ay ang isang lugar kung saan naranasan nilang dapuan ng mga ibon habang nagpapakuha ng kanilang litrato.

Kim Chiu, nawindang matapos mapunit ang kanyang chanel na sombrero
Kim Chiu (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Habang nag-po-pose para sa kanyang pagpapapicture, hindi napansin ni Kim na inuunti-unti pala ng isa sa mga ibon na tukain ang kanyang Chanel na sombrero.

Read also

Ina ng Maguad siblings, binati ang anak sa matataas nitong marka

Wala na rin silang nagawa kundi tumawa matapos makita ang maliit na punit sa sombrero niya. Ani Kim, kaya daw pala sinabihan siyang baka maubos na ang sombrero niya.

Narito ang komento ng ilang netizens:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tawang tawa ako kay Xian dahil sa Chanel bucket cap hindi man lang sinabi. Pero sayang naman natastas. As kimxi fan super happy watching ds vlog.npka unique tlga ng relationship nila.sana hindi n mgtagal pakasal na sila pr mas solid ang saya
Truly Relationship goals, unfiltered , and candid so much in awe of your love for each other. It’s like the sea: deep, everlasting, beautiful and incredibly amazing! Thanks for sharing.
Napakanatural nilang dalawa ,love you both ,sana your love to each other will lasts in a lifetime,ingat kayo palagi and hopefully more projects and blessings pa darating sa inyo dalawa.

Read also

Ion Perez, pinasilip ang bonggang birthday celebration ng kanyang Nanay Zeny

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Kamakailan ay pinasilip ni Kim Chiu ang kanyang sosyaling boots collection na kanyang nabili mula sa kanyang kita mula sa kanyang pag-aartista.

Naging viral din ang picture ni Kim kasama ang kanyang boyfriend na si Xian Lim na kuha mula sa kanilang Yoga session.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel