Ion Perez, pinasilip ang bonggang birthday celebration ng kanyang Nanay Zeny

Ion Perez, pinasilip ang bonggang birthday celebration ng kanyang Nanay Zeny

- Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ion Perez ang inihanda nilang birthday celebration para sa kanyang Nanay Zeny

- Idinaos ito sa kanilang bahay mismo ngunit halatang pinagkagastosan ang pagdedecorate at kumuha din sila ng caterer para sa kanilang pagkain

- Kahit wala si Vice Ganda ay ipinaabot nito ang kanyang regalo na isang malaking bouquet ng bulaklak

- Nagpasalamat naman si Nanay Zeny kay Vice at napunta umano siya at naging bahagi ng kanilang pamilya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa pagdiwang ng ika-70 kaarawan ng Nanay Zeny ni Ion Perez, isang bonggang celebration ang kanilang inihanda. Idinaos ito sa kanilang bahay mismo ngunit halatang pinagkagastosan ang pagdedecorate at kumuha din sila ng caterer para sa kanilang pagkain.

Ion Perez, pinasilip ang bongganga birthday celebration ng kanyang Nanay Zeny
Ion Perez at Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Isang malaking bouquet ng bulaklak ang pinabigay ni Vice Ganda dahil hindi ito nakadalo sa pagdiriwang. Gayunpaman, pinasalamatan siya ng ina ni Ion dahil napunta umano siya at naging bahagi ng kanilang pamilya.

Read also

Kim Chiu, nawindang matapos mapunit ang Chanel niyang sombrero

Bukod pa dito, libo-libo din ang perang kanyang natanggap sa hinila niya sa money cake.

Marami naman sa mga viewers ni Ion ang lalong humanga sa pagpapahalaga ni Ion sa kanyang ina:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Happy Birthday Nanay Zeny. May you have good health ang long life and more birthdays and candles to blow. Proud of you Kuys ion napaka mapagmahal mong anak sana lahat god bless you and meme!
Sa simula hanggang matapos naka Ngiti ako. Napaka swerte ni nanay Zeny sa pagkaroon Ng Anak na kagaya mo.
Happy Bday po Nay...super iyak much! Proud Kapampangan here. You deserved all the love in the world.

Ang karelasyon ni Ion na si Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Read also

Amy Perez, emosyonal na pinasalamatan si Ion Perez sa pagmamahal nito kay Vice Ganda

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel