Amy Perez, emosyonal na pinasalamatan si Ion Perez sa pagmamahal nito kay Vice Ganda

Amy Perez, emosyonal na pinasalamatan si Ion Perez sa pagmamahal nito kay Vice Ganda

- Naging emosyonal si Amy Perez sa pagbibigay nito ng mensahe kina Ion Perez at Vice Ganda

- Isa umano si Amy sa naging saksi ng tunay na pagmamahalan ng dalawa

- Pinasalamatan din niya si Ion dahil ipinagsigawan daw nito at pinanindigan niya ang pagmamahal kay Vice

- Kamakailan ay ibinahagi ni Vice sa kanyang YouTube channel ang ilang kaganapan sa commitment ceremony nila ni Ion noong Oktubre 2021

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Emosyonal si Amy Perez na nagbigay ng mensahe kina Vice Ganda at Ion Perez nang bigyan nila ito ng munting selebrasyon ng pagsalubong bilang bagong kasal sa It's Showtime.

Amy Perez, emosyonal na pinasalamatan si Ion Perez sa pagmamahal nito kay Vice Ganda
Amy Perez, emosyonal na pinasalamatan si Ion Perez sa pagmamahal nito kay Vice Ganda (@amypcastillo)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano ang kanilang 'Tyang Amy' sa mga saksi sa tunay na pagmamahalan ng dalawa sa kabila ng iba't ibang komento at pambabatikos sa kanilang relasyon.

Read also

Ion Perez, nalungkot nang 'di payagang mag-propose noon kay Vice Ganda sa It's Showtime

Kaya naman naantig ang puso ni Amy Perez nang tuluyan na ngang ikinasal ang dalawa sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan.

"Alam niyo madlang pipol, sobrang na-witness ko ang lahat. Alam mo 'yan Vice si Ion nung dumating, tapos magkakausap tayo palagi, sa lahat ng pinagdaanan ninyo, nandun ako,"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sa mga ups, downs, sa mga challenges. I'm just so happy to see na 'di kayo bumitaw. Maraming pain, maraming judgment, madaming questions... Sobrang saya ko na nakitang nagbloom kayong dalawa. 'Yung pag-ibig niyo sa isa't isa sobra. 'Yung respeto niyo sa isa't isa, sobra din."

Pinasalamatan din ni Amy si Ion, na pinanindigan ang pagmamahal kay Vice.

"Ion, gusto ko lang magpasalamat sa'yo for loving Vice. Sobrang na-appreciate ko 'yung sobrang minahal mo siya. Pinagsigawan mo siya na mahal mo siya. Sobrang na-appreciare ko sa maraming pagkakataon kahit na sa paraan na tahimik, alam kong ipinaglaban mo si Vice."

Read also

Vice Ganda, 2020 pa nang ma-engage kay Ion Perez subalit piniling ilihim sa publiko

Narito ang kabuuan ng mensahe ni Amy Perez kina Vice at Ion mula sa It's Showtime:

Si Ion Perez ang partner ng 'Unkabogable Star' na si Vice Ganda. Kamakailan ay inanunsyo ng dalawa ang kanilang pag-iisang dibdib sa Las Vegas sa panahong naroon si Vice Ganda kasama ang pamilya dahil na rin sa series of shows niya roon.

Si Vice Ganda ay isang sikat na artista comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Isa rin si Vice Ganda sa mga nagdesisyong manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng matinding dagok na patuloy nilang nararanasan mahigit isang taon na ang nakalipas.

Bukod sa pagiging batikang komedyante at TV host, pumalo na rin sa 6.19 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel