Vice Ganda at kanyang family, masayang sinalubong ang 2022 sa Amanpulo

Vice Ganda at kanyang family, masayang sinalubong ang 2022 sa Amanpulo

- Ibinahagi ni Vice Ganda ang naging masayang selebrasyon nila ng Bagong Taon sa Amanpulo

- Kasama ni Vice ang partner niyang si Ion Perez, ilang mga kaibigan at siyempre ang kanyang pamilya

- Makikitang ang super nag-enjoy sa kanilang trip ay ang kanyang Nanay Rosario

- Namangha rin ang mga nakapanood ng video dahil makikita kung gaano kaalaga at mapagmalasakit si Vice sa kanyang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masayang sinalubong nina Vice Ganda at kanyang pamilya ang pagpasok ng 2022 sa Amanpulo.

Sa kanyang pinakabagong vlog ngayong Enero 10, ibinahagi ni Vice ang kanilang New Year celebration kung saan bukod sa kanyang family, kasama rin nila si Ion Perez at ilang kaibigan.

Vice Ganda at kanyang family, masayang sinalubong ang 2022 sa Amanpulo
Vice Ganda (Screengrab from Vice Ganda YouTube channel)
Source: Facebook

Tinodo nila ang bonding dahil bukod sa mga beach activities, napagkwentuhan din nila ang kanilang kabataan noong panahong mayroon pa silang tindahan.

Kapansin-pansin din ang saya ni Nanay Rosario, ang ina ni Vice talagang na game na game din sa pagsi-swimming.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Natuwa rin ang netizens dahil kitang-kita kung paano magmalasakit si Vice sa kanyang nanay at lagi niya itong akay at inaalalayan.

Narito ang kabuuan ng masayang pagsalubong nila sa Bagong Taon 2022:

Si Vice Ganda ay isang sikat na artista comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Isa rin si Vice Ganda sa mga nagdesisyong manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng matinding dagok na patuloy nilang nararanasan mahigit isang taon na ang nakalipas.

Bukod sa pagiging batikang komedyante at TV host, pumalo na rin sa 6.19 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Noong 2021, naibahagi ni Vice ang madamdaming video kung paano niya sinurpresa ang kanyang pamilya sa bagong tahanan ng mga ito na regalo niya. Katunayan, doon pa sila nagdiwang ng Kapaskuhan.

Mababakas ang saya sa bawat isa nang mag-gift giving na sila na karamihan ay natupad ang hiling sa mga naibigay sa kanila ni Vice.

Nag-enjoy din ang lahat sa makulit na 'sandok salapi' challenge ni Vice na sinundan din ng 'dutdut salapi' challenge kaya naman talagang merry ang naging Christmas ng Viceral family gayundin ng kanilang mga kasama sa bahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel