Ion Perez, nalungkot nang 'di payagang mag-propose noon kay Vice Ganda sa It's Showtime

Ion Perez, nalungkot nang 'di payagang mag-propose noon kay Vice Ganda sa It's Showtime

- Naikwento nina Vice Ganda at Ion Perez sa It's Showtime ang ilang mga detalye patungkol sa kanilang engagement hanggang sa tuluyan na silang ikasal noong Oktubre

- Isa na rito ay nang hindi payagan umano si Ion na isagawa ang kanyang proposal sa 'It's Showtime'

- Saksi rito ang kapwa niya mga host na nasabing programa na si Teddy Corpuz at Jugs Jugueta gayung sila ang sinabihan noon ni Ion ng planong proposal kay Vice

- Naabutan na lamang ni Teddy si Ion na noo'y labis na nalungkot nang hindi natuloy ang plano nitong proposal sa show kung saan sila nagkakilala at nagkahulugan ng loob ni Vice

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nabigyan ng pagkakataon sina Vice Ganda at Ion Perez na makapagkwento patungkol sa mga kaganapan ng kanilang kasalan at maging ang engagement na naganap noong 2020 pa.

Read also

Vice Ganda, 2020 pa nang ma-engage kay Ion Perez subalit piniling ilihim sa publiko

Nalaman ng KAMI na binalak na talaga ni Ion na sa mismong 'It's Showtime' sana siya magpo-propose kay Vice Ganda.

Ion Perez, nalungkot nang 'di payagang mag-propose noon kay Vice Ganda sa It's Showtime
Vice Ganda and Ion Perez (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Ngunit sa kasamaang palad, hindi siya umano pinayagan ng programa.

Si Teddy Corpuz na kasama nila sa programa ang nakasaksi ng labis na lungkot ni Ion nang hindi naisagawa ang plano.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Kung alam niyo lang 'yung pain nung nakita namin dati si Ion pinagbawalan. Ta's nakita ko si Ion nakahiga dun. 'Uy, anong problema? Hindi pumayag," pagbabalik-tanaw nang nangyari.

"Gusto niya nga dito talaga sa Showtime mag-propose. Tas nakahiga siya dun sa kwarto, Nakita namin yung pain. Kaya forever Team Loyal kaming tatlo," ani Teddy na halos naluluha na rin sa nangyari.

Gayunpaman, hindi na nila nabanggit pa kung bakit hindi umano napahitulutan noon di Ion sa proposal sana nito kay Vice sa show kung saan sila nagkakilala at nagkapalagayan ng loob.

Read also

Madam Inutz, nakatikim ng mura ni Direk Cathy Garcia-Molina

Mapapanood ang kabuuan ng detalye ng kasalan at engagement nina Vice at Ion sa It's Showtime Facebook page.

Si Ion Perez ang partner ng 'Unkabogable Star' na si Vice Ganda. Kamakailan ay inanunsyo ng dalawa ang kanilang pag-iisang dibdib sa Las Vegas sa panahong naroon si Vice para sa series ng show niya sa Amerika.

Sa It's Showtime ngayong Pebrero 16, naikwento ng dalawa na taong 2020 pa nang maganap ang proposal ni Ion kay Vice. Subalit pinili nilang hindi muna ito isapubliko noon sa takot sa magiging reaksyon umano ng mga tao.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel