Ion Perez, ipinakita ang pwesto sa palengke kung saan siya naglalako noon ng manok

Ion Perez, ipinakita ang pwesto sa palengke kung saan siya naglalako noon ng manok

- Binalikan ni Ion Perez ang pwesto nila noon sa palengke kung saan siya nagtitinda ng manok

- Binati din niya ang mga dati nila roong nakakasama gayundin ang mga kamag-anak nilang may pwesto rin doon sa pagtitinda

- Bukod pa rito, bumili na rin siya ng mga paninda nito bilang pabuenas ng benta at tulong sa mga ito lalo na at maaga silang namalengke

- Aniya sa mga kapwa naglalako sa palengke, huwag umanong mawalan ng pag-asa at huwag makakalimot sa pinanggalingan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa pinakabagong vlog ni Ion Perez, ipinasilip niya ang dati niyang buhay sa pagiging tindero sa palengke.

Nalaman ng KAMI na kaarawan noon ng kanyang ina kaya naman namili sila ng mga ipanghahanda nito.

Ion Perez, binalikan ang dating pwesto sa palengke kung saan siya naglalako ng manok
Photo: Ion Perez kasama si Vice Ganda
Source: Instagram

Ipinakita ni Ion ang mga taong malalapit sa kanya noong siya ay naglalako pa roon ng manok.

Read also

Vice Ganda, 2020 pa nang ma-engage kay Ion Perez subalit piniling ilihim sa publiko

Dinaanan at binati rin niya ang ilang mga kaanak nilang mayroon ding pwesto sa palengke. Syempre, bumili rin siya ng mga paninda nito bilang pabuenas at tulong lalo na at maaga silang nagtungo roon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinuntahan din niya ang dating pwesto nila ng manukan kung saan siya mismo ang naglalako. Ipinakita niya na ang ginagawa ng lalaking kaanak din pala niyang naroon at siyang dati niyang ginagawa noong tindero pa siya.

Ipinakilala rin niya ang katabing pwesto nila roon na si Aling Baby na napalapit na rin kay Ion. Bumili rin siya roon ng gulay ngunit dahil sa kabutihan ng puso ni Ion, pinasobrahan niya ang bayad sa matanda na labis namang ikinatuwa nito.

Makikitang naging emosyonal din si Ion sa pagbabalik niya sa palengke. Bago magtapos ang vlog, pinaalalahanan niya ang mga nanonood lalo na ang mga naging tindero na tulad niya na huwag mawalan ng pag-asa at kung makaangat man, huwag ding makalimot sa pinanggalingan.

Read also

Wilbert Tolentino, mamahaling 'one of a kind' bag ang birthday gift kay Jelai Andres

Narito ang kabuuan ng video mula mismo sa kanyang YouTube channel:

Si Ion Perez ang partner ng 'Unkabogable Star' na si Vice Ganda. Kamakailan ay inanunsyo ng dalawa ang kanilang pag-iisang dibdib sa Las Vegas sa panahong naroon si Vice Ganda kasama ang pamilya dahil na rin sa series of shows niya roon.

Si Vice Ganda ay isang sikat na artista comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Isa rin si Vice Ganda sa mga nagdesisyong manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng matinding dagok na patuloy nilang nararanasan mahigit isang taon na ang nakalipas.

Bukod sa pagiging batikang komedyante at TV host, pumalo na rin sa 6.19 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel