Vice Ganda, 2020 pa nang ma-engage kay Ion Perez subalit piniling ilihim sa publiko

Vice Ganda, 2020 pa nang ma-engage kay Ion Perez subalit piniling ilihim sa publiko

- Sa kauna-unahang pagkakataon, ikinuwento ni Vice Ganda na 2020 pa sila engaged ni Ion Perez

- Aniya, nangyari pa ito bago ideklara ang pandemya ngunit dahil dito, naudlot ang kanila noong mga plano

- Pinili rin nilang hindi muna ito isapubliko sa takot na maging iba at hindi maganda ang reaksyon ng publiko.

- Kamakailan ay inanunsyo nina Vice at Ion ang kanilang pag-iisang dibdib na ginanap sa Las Vegas noong Oktubre ng nakaraang taon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanilang programang It's Showtime, nakapagkwento sina Vice Ganda at Ion Perez ng ilan pang mga detalye patungkol sa kanilang kasal at mga naging plano bago ito.

Vice Ganda, 2020 pa nang ma-engage kay Ion Perez subalit piniling ilihim sa publiko
Vice Ganda, 2020 pa nang ma-engage kay Ion Perez subalit piniling ilihim sa publiko
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na taong 2020 pa nang mag-propose si Ion kay Vice. Subalit pinili nilang hindi muna ito isapubliko.

"Umiiyak siya, sabi niya bakit ayaw mong sabihin sa kanila? Kahit kina Tita Cory, sa lahat tinago ko,"

Read also

Ion Perez, nalungkot nang 'di payagang mag-propose noon kay Vice Ganda sa It's Showtime

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sobra akong takot, Sobra akong takot na bababuyin lang ng tao ang isang bagay na napakaganda para sa atin," paliwanag ni Vice.

Sa sobrang takot, pinabura pa niya umano ang larawan at video na kuha ng kanilang mga kaibigan upang hindi na ito makalabas pa.

Kwento pa ni Vice, naudlot lamang ang kanilang pag-iisang dibdib dala ng pandemya.

Kaya naman nang magkaroon ng pagkakataong magtungo sa Amerika sina Vice para sa kanyang show, inaya na niya si Ion na ikasal sa Las Vegas at agad naman daw itong sumagot ng 'Tara.'

Oktubre pa ng nakaraang taon naganap ang pag-iisang dibdib nina Ion at Vice na hindi rin agad nalaman maging ng mga malalapit na tao sa puso nila.

Mapapanood ang kabuuan ng kanilang kwento sa It's Showtime Facebook page.

Read also

73-anyos na call center agent, nagtrabaho para maibsan ang lungkot sa pumanaw na misis

Si Ion Perez ang partner ng 'Unkabogable Star' na si Vice Ganda. Kamakailan ay inanunsyo ng dalawa ang kanilang pag-iisang dibdib sa Las Vegas sa panahong naroon si Vice para sa series ng show niya sa Amerika.

Isa rin si Vice Ganda sa mga nagdesisyong manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng matinding dagok na patuloy nilang nararanasan mahigit isang taon na ang nakalipas.

Bukod sa pagiging batikang komedyante at TV host, pumalo na rin sa 6.19 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel