Gold Squad Andrea, Seth at Kyle, missing sa debut ni Francine Diaz

Gold Squad Andrea, Seth at Kyle, missing sa debut ni Francine Diaz

- Sinabing hindi nakadalo ng debut party ni Francine Diaz ang kanyang mga ka-Gold Squad na sina Kyle Echarri, Andrea Brillantes at Seth Fedelin

- Sa Showbiz Update ni Ogie Diaz, nabanggit na imbitado naman ang tatlo subalit nagkaroon lamang ng problema sa kani-kanilang schedule

- Magkakasama sila sa proyektong 'Lyric and Beat' habang si Francine naman ay mayroon ding proyekto ang 'Bola-Bola'

- Gayunpaman, sinabi rin ni Ogie D na mas mainam na kina Andrea, Seth at Kyle na mismo manggaling kung bakit nga ba hindi sila nakadalo sa debut ng kanilang kasama sa Gold Squad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi raw nakadalo ang iba pang miyembro ng 'Gols Squad' na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin at Kyle Echarri sa debut ng kasama nilang si Francine Diaz na idinaos noong Pebrero 26.

Gold Squad Andrea, Seth at Kyle, missing sa debut ni Francine Diaz
Gold Squad Andrea, Seth at Kyle, missing sa debut ni Francine Diaz (@francinesdiaz)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na bagaman at imbitado naman daw ang tatlo, hindi ito nakita sa party ni Francine.

Read also

Alexa Ilacad, aminadong nasaktan ngunit napatawad na si Brenda Mage

Sa Showbiz Update ni Ogie Diaz, sinabi na ang posibleng dahilan nito ay ang taping at shooting ng proyektong kinabibilangan ng tatlo na 'Lyric and Beat.'

"Ang sabi sa akin ha, invited daw. Ang siste, nagkataon na si Blythe o si Andrea si Seth at si Kyle ay nandoon sa Baguio nagsu-shoot ng 'Lyric and Beat,'" pahayag ni Ogie D kaya wala umano sa party ni Francine ang tatlo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinundan naman ito ng tanong ni Mama Loi kay Ogie D kung bakit hindi naman kasama si Francine sa 'Lyric and Beat' gayung naroon na ang tatlo niyang mga kasama.

"Nagkasabay din daw ang Lyric and Beat saka yung 'Bola bola' na isa ring series," dagdag pa ni Ogie patungkol sa proyekto namang kinabibilangan ni Francine.

Read also

Ogie Diaz, nag-trending ang pag-host ng campaign rally ng Leni-Kiko sa Iloilo

Paliwanag din niya na kaya naman hindi si Kyle ang kasama ni Francine sa 'Bola Bola' ay dahil nasa loob pa ito ng Pinoy Big Brother house nang masimulan itong gawin. Ito naman ang dahilan kung bakit naisama si Kyle kina Seth at Andrea dahil nakalabas na ito noon sa PBB house nang mag-shoot.

Narito ang kabuuan ng Showbiz Update nina Ogie Diaz, Mama Loi kasama rin sina Ate Mrena at Dyosa Pockoh mula kanilang YouTube channel:

Si Francine Carrel Saenz Diaz ay isa sa kilalang aktres at product endorser sa bansa. Nagsimula ang kanyang acting career sa mga TV series na The Blood Sisters, We Will Survive, Ikaw Lang ang Iibigin, at Be My Lady. Subalit mas nagningning ang kanyang career nang bigyang buhay niya ang karakter ni Cassandra Mondragon sa Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin at Kyle Echarri.

Read also

Angel Locsin, umalma sa umano'y pang-re-red tag ng isang netizen

Kamakailan ay naging usap-usapan ang larawan ni Francine at kanyang pamilya na kuha umano noong Bagong Taon. Kasama kasi nila rito ang kanyang ka-Gold Squad na si Seth Fedelin.

Dahil dito, mismong ang kilalang entertainment reporter sa bansa na si Ogie Diaz ay diretsahang naitanong kung nanliligaw ba si Seth kay Francine.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel