Alexa Ilacad, aminadong nasaktan ngunit napatawad na si Brenda Mage

Alexa Ilacad, aminadong nasaktan ngunit napatawad na si Brenda Mage

- Aminado si Alexa Ilacad na nasaktan umano siya sa mga nasabi sa kanya ni Brenda Mage sa loob ng PBB house

- Aniya, hindi siya nagalit ngunit nasaktan nang mapanood ang mga video gayung hindi niya alam na ganoon na pala ang mga nangyayari

- Gayunpaman, napatawad na niya si Brenda lalo na at itinuturing niya umanong pamilya ang mga nakasama sa loob ng Bahay ni Kuya

- Sa ngayon, todo-todo ang pagpapakilig nila sa fans ng kapwa PBB housemate na si KD Estrada

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa sa mga naitanong ni Karen Davila sa panayam niya kay Alexa Ilacad ay ang reaksyon umano nito sa mga maiinit na kaganapan sa kanila noon ni Brenda Mage.

Matatandaang gumawa talaga ng ingay ang kontrobersiyang ito ng dalawa sa loob ng Pinoy Big Brother house bilang bahagi sila ng celebrity housemates ng Kumunity Season 10.

Read also

Pinay sa Ukraine, ibinahagi ang sitwasyon nila sa pagtatago sa basement

Alexa Ilacad, aminadong nasaktan ngunit napatawad na si Brenda Mage
Alexa Ilacad, aminadong nasaktan ngunit napatawad na si Brenda Mage
Source: Facebook

Ayon kay Alexa, hindi galit kundi mas nasaktan siya sa mga nabibitawang salita sa kanya ni Brenda.

"At least sinabi niyang maganda ako," nakangiting nasabi ni Alexa. Sinabi rin niyang napatawad naman na niya si Brenda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"More I was hurt. Cause, I didn't hear any of that inside the house. And inside the house we all have this 'mahal natin ang isa't isa, we're strong, pamilya tayo.' So when I got out, my mom was like 'Anak, you have to watch."

Sa umpisa, ayaw talaga umanong panoorin ni Alexa ang mga kaganapan sa loob ng bahay ni Kuya dahil ayaw niyang magbago ang tingin niya sa kanyang mga housemates.

Subalit, dala ng sitawasyon kung saan ang mga evicted housemates ang magtatanong sa Final 5 ng kanilang batch, kinailangan niyang panoorin ang mga naganap na labis niyang ikinagulat.

Read also

Alexa Ilacad, naikwentong si Nash Aguas ang nasa likod ng naisulat niyang awit na "Paano"

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Karen Davila:

Si Alexa Ilacad ay isang model, actress at singer sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang isang child star at kamakailan, gumawa ng ingay sa pagiging celebrity housemate ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10. Ilan buwan buhat nang makalabas sa bahay ni Kuya, labis-labis naman ang pagpapakilig niya sa mga fans ngayong super close na sila ng kanyang dating housemate na si KD Estrada.

Bukod kay Alexa, nakapanayam din ni Karen Davila si Francine Diaz kamakailan kung saan binisita mismo niya ito sa naipundar na bahay. Doon naikwento rin ni Francine na "No Boyfriend Since Birth" pa rin siya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel