Karen Davila, nagulat nang sumagot si Francine Diaz na "NBSB" raw siya

Karen Davila, nagulat nang sumagot si Francine Diaz na "NBSB" raw siya

- Makailang beses na tinanong ni Karen Davila kay francine Diaz kung ano ang kahulugan ng "NBSB"

- Ito kasi ang naging sagot niya nang tanungin niya si Francine kung nagka-boyfriend na ba ito

- Sinabi naman agad ni Francine ang kahulugan nito na "No Boyfriend since birth"

- Marami raw ang hindi na niniwalang wala pa siyang nagiging boyfriend gayung wala naman daw nanliligaw sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang naikwento ni Francine Diaz sa naging panayam sa kanya ni Karen Davila sa kanyang YouTube channel.

Nalaman ng KAMI na dumalaw si Karen kay Francine at doon ipinakita ng young actress ang kanilang napakagandang tahanan.

Karen Davila, nagulat nang sumagot si Francine Diaz na "NBSB" raw siya
Karen Davila (@iamkarendavila)
Source: Instagram

Bukod sa house tour, naibahagi rin ni Francine ang kanilang pinagdaanan ng kanyang ina sa pagpasok niya sa showbiz.

Aminado siyang malaking bagay talaga ang pagkakatanggap sa kanya bilang isa sa mga lead roles sa 'Kadenang Ginto' na siyang nagbago ng takbo ng kanilang buhay.

Read also

Ryan Bang, inamin ang naudlot na pagliligaw kay Yeng; "Galing talaga 'yun sa puso ko"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa rin sa naitanong ni Karen ay kung nagkaroon na ba ng boyfriend si Francine lalo na ngayong nalalapit na ang kanyang 18th birthday.

"Wala, NBSB po," ang naisagot agad ni Francine na agad namang pinaulit ni Karen. Sinabi na rin ni Francine na ang ibig sabihin nito ay "no boyfriend since birth."

"Dear! Napaka-tita ko na hindi ko alam, ano yun? NBSB? Diyos ko Lord. Lumalabas ang edad ko po," natatawang nasabi ni Karen.

Paliwanag naman ni Francine, wala naman umanong nanliligaw sa kanya kaya naman wala siyang rason para umano magkaroon ng boyfriend.

Narito ang kabuuan ng masayang interview kay Francine ni Karen Davila:

Si Karen Davila ay isang multi-awarded broadcast journalist na pinarangalan ng TOYM (The Outstanding Young Men) Awards for Broadcasting noong 2008 at TOWNS (The Outstanding Women in the Nation’s Service) Award for Broadcasting (2013).

Read also

Donny Pangilinan, hinangaan ng marami sa interview sa kanya ni Karen Davila

Sa ngayon, aktibo na rin siya sa bilang isang YouTube content creator. Isa sa mga kinagiliwan ng mga tao ay ang panayam niya kay Lyca Garanoid kung saan naging viral ang reaksyon niya nang malaman niyang pareho ang petsa ng kanilang birthday.

Kamakailan ay marami rin ang humanga lalo sa aktor na si Donny Pangilinan dahil sa mga naibahagi niya sa interview sa kanya ni Karen Davila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel