TikTok Star Sassa Gurl, inaming anak ng kasambahay; sinurpresa ni Karen Davila

TikTok Star Sassa Gurl, inaming anak ng kasambahay; sinurpresa ni Karen Davila

- Umantig sa puso ng marami ang pag-amin ng kilalang TikTok Star na si Sassa Gurl na anak siya ng kasambahay

- Caretaker lamang umano sila ng malaking bahay kung saan ginagawa ni Sassa ang kanyang mga TikTok videos

- Sa hirap ng kanilang buhay, hindi na nila madalas na ipinagdiriwang ang Kapaskuhan

- Subalit sa darating na Pasko, bongga ang kanilang handa dahil sa suppresang handog sa kanila ni Karen Davila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kauna-unahang pagkakataon, naikwento ng TikTok Star na si Sassa Gurl ang totoong kwento ng kanyang buhay nang makapanayam siya at mabisita ni Karen Davila.

Nalaman ng KAMI na ang naturang rebelasyon ay patungkol sa malaking bahay kung saan niya ginagawa ang mga viral TikTok videos na pagmamay-ari pala ng amo ng kanyang ina.

TikTok Star Sassa Gurl, inaming anak ng kasambahay; sinurpresa ni Karen Davila
Karen Davila (@iamkarendavila)
Source: Instagram

Inamin ni Sassa na anak siya ng isang kasambahay at nasa abroad ang may-ari ng tinutuluyan nilang bahay. Caretaker sila nito at sila lang mag-ina ang naninirahan dito.

Read also

Kris Aquino, binahagi ang huling text message ni Mel Sarmiento sa kanya

Kwento pa niya kay Karen Davila, noong bata pa siya'y sinasabi niyang sa kanila ang kanilang bahay. Ngunit dala pa rin ng kahirapan, salat pa rin siya sa mga gamit maging sa baon niya sa eskwelahan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naikwento rin ni Sassa na tuwing Noche Buena, madalas na itinutulog na lamang nila itong mag-ina.

Dahil sa hirap ng buhay, tila lumilipas na lamang daw ito na parang ordinaryong araw para sa kanila.

Subalit ngayong taon, tila magiging masaya ang selebrasyon nilang mag-ina sa Kapaskuhan maging hanggang sa pagdiriwang nila ng Bagong Taon.

Dinala sila ni Karen sa isang supermarket at binigyan sila ng sampng minuto para makapag-shopping.

Napuno nilang mag-ina ang tatlong malalaking push cart kaya naman marami silang naiuwing biyaya.

Labis-labis ang pasasalamat ni Sassa Gurl at ng kanyang ina kay Karen Davila sa 'di inaasahang blessing na handog nito para sa kanila.

Read also

Vice Ganda, inunahan na ang mga nega kaugnay sa binahagi niyang shopping video

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Karen Davila:

Si Karen Davila ay isang multi-awarded broadcast journalist na pinarangalan ng TOYM (The Outstanding Young Men) Awards for Broadcasting noong 2008 at TOWNS (The Outstanding Women in the Nation’s Service) Award for Broadcasting (2013).

Sa ngayon, aktibo na rin siya sa bilang isang YouTube content creator. Isa sa mga kinagiliwan ng mga tao ay ang panayam niya kay Lyca Garanoid kung saan naging viral ang reaksyon niya nang malaman niyang pareho ang petsa ng kanilang birthday.

Si Karen din ang nakapagkumbisi sa kanyang best friend na si Kim Atienza na pasukin na rin ang pagiging isang YouTuber.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel