Kris Aquino, binahagi ang huling text message ni Mel Sarmiento sa kanya

Kris Aquino, binahagi ang huling text message ni Mel Sarmiento sa kanya

- Matapos mapansin ng publiko na wala na ang mga pictures ni Mel Sarmiento sa Instagram feed ni Kris Aquino, umugong ang usap-usapang hiwalay na sila

- Dahil dito ay minabuti ni Kris na linawin at ibahagi sa publiko ang katotohanan tungkol sa kanilang paghihiwalay

- Hindi na nito pinaliwanag ang dahilan ngunit ibinahagi niya ang huling mensahe na natanggap niya mula kay Mel kung saan nagpapaalam na ito

- Hiling naman ni Kris sa publiko na igalang ang kanyang pagkatao at ang kanyang privacy habang nakikipaglaban siya para sa kanyang kalusugan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinumpirma ni Kris Aquino na hiwalay na nga sila ni Mel Sarmiento. Ito ay matapos umugong ang usap-usapan tungkol dito dahil na rin sa pagkakabura ng mga pictures nila ni Mel sa kanyang Instagram feed.

Kris Aquino, binahagi ang huling text message ni Mel Sarmiento sa kanya
Kris Aquino arrives for Warner Bros. Pictures' "Crazy Rich Asians" Premiere held at TCL Chinese Theatre IMAX on August 7, 2018 in Hollywood, California. (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

Hindi na nito pinaliwanag ang dahilan ngunit ibinahagi niya ang huling mensahe na natanggap niya mula kay Mel kung saan nagpapaalam na ito. Sinabi nito na mabigat na responsibilidad ang pagpapanatiling ligtas si Kris mula sa COVID dahil sa kanyang auto immune disease.

Read also

Gary V sa kanta niyang 'Take me out of the dark': "It's never a performance"

Aniya, kahit mabigat sa kanya ay tinatanggap niya ang offer ni Kris na palayain siya dahil ayaw niya umanong maging dahilan pa para magkasakit si Kris dahil sa kanyang paglabas.

Katwiran din niya, nagkaroon na rin siya ng bubble fatigue at hindi na rin niya kayang hindi siya lumabas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, pinapahalagahan niya ang buhay ni Kris lalo at may dalawang anak itong umaasa sa kanya. Gayunpaman, aniya, hindi nawawala ang pagmamahal niya para kay Kris.

Hiling naman ni Kris sa publiko na igalang ang kanyang pagkatao at ang kanyang privacy habang nakikipaglaban siya para sa kanyang kalusugan.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Read also

Vice Ganda, inunahan na ang mga nega kaugnay sa binahagi niyang shopping video

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagbati ni Kris para sa isang taong hindi niya pinangalanan. Gayunpaman, kinalaunan ay napag-alamang si Mel Sarmiento ito.

Marami ang natuwa nang isapubliko ni Kris ang tungkol sa engagement nila kamakailanlang. Aniya, excited na siyang maging Sarmiento.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel