Vice Ganda, inunahan na ang mga nega kaugnay sa binahagi niyang shopping video

Vice Ganda, inunahan na ang mga nega kaugnay sa binahagi niyang shopping video

- Bago pa niya pinakita ang kanyang shopping spree sa isang sikat na resort, inunahan na ni Vice Ganda ang mga bashers

- Aniya sana ay kumalma na lang ang mga taong pupuna sa kanyang pag-shopping kahit pa marami ang nasalanta ng bagyo kamakailan

- Sinigurado niyang nagawa niya na ang kanyang tungkulin at dapat gawin at hindi na rin niya ito kailangan ipakita sa mga tao

- Isa lamang si Vice Ganda sa mga artistang nagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng mga kalamidad ngunit kadalasan din ay hindi niya na ito pinapakita sa social media

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inunahan na ni Vice Ganda ang mga bashers na maaring magbitaw ng mga negatibong komento kaugnay sa kanyang binahaging video kung saan nag-shopping siya. Aniya, nagawa niya ang dapat niyang gawin kaya hindi na dapat siyang punahin.

Read also

Vice Ganda, pinasilip ang kanyang sosyaling shopping para sa kanyang pangregalo

Vice Ganda, inunahan na ang mga nega kaugnay sa binahagi niyang shopping video
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram
Aniya sana ay kumalma na lang ang mga taong pupuna sa kanyang pag-shopping kahit pa marami ang nasalanta ng bagyo kamakailan.

Sa kabila ng kanyang nabanggit na ito, karamihan sa mga reaksiyon ng netizens ay positibo:

God bless you more Vice for loving your family unconditionally. Sana magkaroon ka pa ng maraming vlogs kasama ang mommy mo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakaka tuwa ang pagmamahal ni Vice sa pamilya nya walang limit... Kung ako lang ang ganyan ang gift ko sa nanay ko na mailabas kona sya sa ospital at ang ninang namin mapaoperahan na... Sobrang lungkot namin last year kasi nasa ospital ang nanay at ninang naming magkakapatid... Pero dahil kay Vice mejo na kalimutan ko ang problema at nag imagine ako na magawa ko din ito balang araw

Read also

Anak ni Claire Dela Fuente sa Dacera case, nasaktan sa komentong 'deserve' mawalan ng ina

Totoo naman ang sinasabi ni Meme Vice... di dapat ipangalandakan ang pagtulong. tamang quiet lang siya na nakapag extend na siya ng help

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel