Vice Ganda, pinasilip ang kanyang sosyaling shopping para sa kanyang pangregalo

Vice Ganda, pinasilip ang kanyang sosyaling shopping para sa kanyang pangregalo

- Sa kanyang binahaging vlog, pinakita ni Vice Ganda ang kanyang shopping experience sa isang sikat at sosyaling hotel

- Pinasundo pa siya sa limousine na may kasama na ring nagmamaneho dahil ayon kay Vice ay wala siyang magamit na sasakyan

- Pinamili niya ng mga regalo ang kanyang mga mahal sa buhay kabilang ang kanyang pamilya at ang karelasyong si Ion Perez

- Kapansin-pansin din na pawang mga luxury brands ang kanyang pinili para sa kanyang mga biniling regalo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Itinodo na ni Vice Ganda ang kanyang pamimili ng regalo para sa kanyang mga mahal sa buhay ilang oras bago sumapit ang Kapaskuhan. Kasama ang kanyang kaibigang si Donna, pumunta sila sa isang sikat at sosyaling hotel kung saan mayroong mga shops ng mga mamahaling brands ng bag at sapatos.

Read also

Anak ni Claire Dela Fuente sa Dacera case, nasaktan sa komentong 'deserve' mawalan ng ina

Vice Ganda, pinasilip ang kanyang sosyaling shopping para sa kanyang pangregalo
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Pinasundo pa siya sa limousine na may kasama na ring nagmamaneho dahil ayon kay Vice ay wala siyang magamit na sasakyan. Pinamili niya ng mga regalo ang kanyang mga mahal sa buhay kabilang ang kanyang pamilya at ang karelasyong si Ion Perez.

Marami naman ang lalong na-inspire na magsikap upang maranasan din nilang mamili kagaya ng kay Vice:

Thank you Vice for sharing this experience. Isang reminder ulit na kailangan magsikap sa buhay para makamit ang mga gustong bagay at mkatulong sa iba. Thank your for being an inspiration!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito ang tanging nagsho-shopping sa mga luxury stores na ang Sarap panoorin kasi Walang halong pagmamayabang mag e enjoy ka lang manood at higit sa lahat di ka makaramdam ng inggit bagkus inspiration na magsumikap sa buhay para one day magagawa mo rin ang mga bagay na ganito

Read also

Wilbert sa mga umano'y tumutuligsa kay Madam Inutz: "Lumaban kayo ng patas!"

Ang expensive tingnan ni vice with those bodyguards following him. Ang shala, that's a dream! Let's all work hard to live this kind of life

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel