Wilbert sa mga umano'y tumutuligsa kay Madam Inutz: "Lumaban kayo ng patas!"

Wilbert sa mga umano'y tumutuligsa kay Madam Inutz: "Lumaban kayo ng patas!"

- Matapang ang naging pahayag ng manager ni Madam Inutz tungkol sa kanilang mga bashers

- Ngayong kabilang na si Madam sa Final 5, tila mas dumami ang mga bumatikos sa kanya

- Gayunpaman, todo pa rin ang suporta sa kanya ng kanyang manager na patuloy ang panawagan sa taumbayan lalo at nalalapit na ang paghirang sa Top 2

- Matatandaang makailang beses na naisalba si Madam Inutz sa eviction at sinasabing malaki ang nagawa ng pagbabagsak ng diamonds ng kanyang Sir Wilbert

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbigay ng pahayag si Wilbert Tolentino patungkol sa mga pilit na tumutuligsa sa alaga niyang si Madam Inutz at maging sa kanya.

Nalaman ng KAMI na ngayong nasa Final 5 na si Madam Inutz, tila mas marami ang nagbabanta at tumitira sa kanyang pagkakapasok sa lima kung saan pipiliin ang dalawang mananalo.

Read also

PBB Final 5, lakas loob na nai-rank ang kanilang sarili

Sa kanyang tweet, inihayag ng manager niyang si Sir Wilbert na 'lumaban naman ng patas' ang mga umano'y pilit na sumisira kay Madam Inutz.

Wilbert sa mga nagbabanta kay Madam Inutz: "Lumaban kayo ng patas!"
Wilbert Tolentino kasama si Madam Inutz (Photo from Daisylicious_Ukay)
Source: Facebook

"'Pag may unlivotes dami nyong kahol, inalis na ang unli votes iba nanaman dilema nyo. Ano na? lumaban kayo ng patas indi yung pag iinitan at pinupuntirya ako at c Madam," ang bahagi ng kanyang post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang makailang beses na naisalba sa eviction si Madam Inutz at sinasabing malaking bagay dito ang pagbagsak ng malalaking halaga ng diamonds ng kanyang sir Wil sa Kumu.

Nagbiro pa nga ito na 'itlog' na lamang ang kanyang uulamin hanggang 2025 dahil sa milyon-milyong halaga umano na naibagsak niya bilang pagsuporta kay Madam Inutz.

Si Wilbert Tolentino ay isang kilalang negosyante sa Pilipinas. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Read also

Wilbert sa mga pumuna sa muling pagkakasalba ni Madam Inutz: "Bakit ako pinupuntirya niyo?"

Talent manager din siya ng ilang mga kilalang vloggers sa bansa at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller na si Madam Inutz.

Ngayong nasa Final 5 na ng mga housemates ng bahay ni Kuya si Madam Inutz, todo ang suporta sa kanya ng kanyang sir Wilbert na panay na ang panawagan sa taumbayan na suportahan din si Madam sa mga huling araw ng pamamalagi ng mga ito sa Pinoy Big Brother house.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel