PBB Final 5, lakas loob na nai-rank ang kanilang sarili

PBB Final 5, lakas loob na nai-rank ang kanilang sarili

- Naatasan ni Big Brother na i-rank ang kanilang mga sarili ayon sa mga nagawa nila sa loob ng kanyang bahay

- Una muna nilang nilahad ang sa palagay nilang naiambag sa loob ng bahay ni Kuya para na rin sa kanilang mag housemates

- Bahagi ito ng kanilang mas matitinding task na kailangan harapin bilang Final 5 ng PBB Kumunity Season 10

- Bukod sa Final 5 sila at hindi Big 4, hindi lamang din isa ang big winner kung Top 2 ang magwawagi sa kanilang batch

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mas matitindi nga ang mga naging pagsubok sa Final 5 ng Pinoy Big Brother Kumunity Celebrity Edition Season 10.

Nalaman ng KAMI na sa una nilang pagsubok kinakailangan nilang iranggo ang sarili base sa kanilang mga nagawa sa loob ng Bahay ni Kuya.

Read also

Wilbert sa mga pumuna sa muling pagkakasalba ni Madam Inutz: "Bakit ako pinupuntirya niyo?"

Bago ito, binigyan sila ng pagkakataon ni Kuya na ilahad ang kani-kanilang mga nai-ambag sa pananatili sa Big Brother house.

PBB Final 5, lakas loob na nai-rank ang kanilang sarili
Pinoy Big Brother House (Pinoy Big Brother ABS-CBN)
Source: UGC

Matapos ito, kanya-kanya rin sila ng paglalagak sa sarili kung saan sa palagay nila dapat maipwesto.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Unang tumayo sina Anji Salvacion na inilagay ang sarili sa ikalimang pwesto kasabay naman si Samantha Bernardo na inilagay ang sarili sa ikatlong pwesto.

Sumunod namang inilagay ni Madam Inutz ang sarili sa ikaapat na pwesto habang si Alyssa Valdez naman ay naipalagay ang loob sa ikalawang pwesto.

Huling naglagay ng kanyang sarili si Brenda sa unang pwesto. Matapos ito, binigyan pa sila ni Kuya ng isang oras para pag-isipan kung final na ba ang desisyon nila sa kani-kanilang mga posisyon.

At makalipas nga ang takdang oras, wala nang binago ang housemates.

Read also

Sir Wil, todo suporta kay Madam Inutz: "Kahit tissue lang ulamin ko hanggang 2025"

Ang ginawa nilang ito ay may katumbas na diamonds para sa 10 million diamond challenge nila na bahagi ng paggapang nila patungong Top 2.

Isa ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Ngayong taon, noong Oktubre 16 ay muling binuksan ang bahay ni Kuya para sa Kumunity Celebrity Edition Season 10

Makalipas ang mahigit sampung linggo, magtatapos ang isang season ng Pinoy Big Brother kung saan mga celebrity ang mga naging housemates ni Kuya.

Kabilang sa mga celebrity housemates ay sina Karen Bordador, Tj Valderrama at Eian Rances.

Humarap sa mga matitinding kontrobersya ang mga housemates na ito mula sa mga taong nakasubaybay sa kanila sa outside world.

Ilan sa mga ito ay ang naging usapan nina Eian Rances at Brenda Mage sa pagsisimula pa lamang ng PBB na humantong naman sa kanilang mabuting pagkakaibigan.

Gayundin ang umano'y closeness nina Shanaia kay TJ na mismong sila at mga housemates ang nagsabing walang malisya ang pagiging malapit ng dalawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel