Sir Wil, todo suporta kay Madam Inutz: "Kahit tissue lang ulamin ko hanggang 2025"

Sir Wil, todo suporta kay Madam Inutz: "Kahit tissue lang ulamin ko hanggang 2025"

- Muling naglabas ng saloobin si Wilbert Tolentino patungkol sa suportang ibinibigay niya sa alagang si Madam Inutz

- Aniya, inilalaban niya si Madam Inutz na talagang nagsisipag kahit nasa loob ng Bahay ni Kuya para sa kanyang pamilya

- Nagbiro muli ito na kahit tissue na lamang daw ang ulamin niya hanggang 2025 sa pagbibigay suporta sa alagang si Madam Inutz

- Ito ay sa kabila ng nauna na niyang post kung saan nagsabi na pagod na umano siya at kailangan niya munang magpahinga kaya naman pinasalamatan na niya ang mga susuporta sa kanyang alaga

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muling naglabas ng saloobin ang manager ni Madam Inutz na si Wilbert Tolentino tungkol sa laban ng kanyang alaga sa loob ng PBB hoouse.

Nalaman ng KAMI na ito ay matapos na magpahayag si 'Sir Wil' ng pagkadismaya kay Madam na nagawa pang bigyan ng dalawang puntos si Brenda Mage na naligtas sa nominasyon sa Pinoy Big Brother eviction sa linggong ito.

Read also

Wilbert Tolentino sa nominadong si Madam Inutz: "Itlog nalang ulam ko hanggang year 2025"

Sir Wil, todo suporta kay Madam Inutz: "Kahit tissue lang ulamin ko hanggang 2025"
Wilbert Tolentino kasama si Madam Inutz (Screengrab from Daisylicious_Ukay)
Source: Facebook

Gayunpaman, tila hindi matiis ng mapagmalasakit na manager ang kanyang alaga na todo suporta pa rin sa laban ni Madam Inutz sa loob.

Matatandaang una na siyang nagbiro na kahit itlog na lamang ang ulamin niya hanggang 2025, handa siyang itodo ang suporta kay Madam na kinakikitaan naman ng sipag at determinasyon sa loob ng Bahay ni Kuya na ang inspirasyon ay ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman ayon kay Sir Wil, tuloy-tuloy lamang ang laban ng kanyang alagang si Madam Inutz.

Si Wilbert Tolentino ay isang negosyante sa Pilipinas. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Read also

TikTok Star Sassa Gurl, inaming anak ng kasambahay; sinurpresa ni Karen Davila

Talent manager din siya ng ilang mga kilalang vloggers sa bansa at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller na si Madam Inutz.

Ngayon, naging aktibo na rin si Madam Inutz sa kanyang YouTube channel sa tulong ng kanyang manager na madalas siyang kasa-kasama sa mga videos nito.

Isa rin si Madam Inutz sa mga official housemates ni Kuya sa Pinoy Big Brother Season 10. Bago pumasok sa bahay ni Kuya, ibinigay na ni Wilbert ang kanyang regalong bahay at lupa kay Madam Inutz para magsilbing motivation nito sa pagsabak sa PBB.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel