Wilbert Tolentino, sosyal na bag na may halagang Php287,000 ang regalo kay Zeinab Harake

Wilbert Tolentino, sosyal na bag na may halagang Php287,000 ang regalo kay Zeinab Harake

- Bonggang bag ang iniregalo ni Wilbert Tolentino sa kanyang friend na si Zeinab Harake

- Kamakailan ay nagdiwang ito ng kanyang 23rd birthday at talagang nag-effort si Wilbert sa paghahanap ng regalo kay Zeinab

- Nakadalawang mall pa siya na napuntahan para lamang mahanap ang perfect bag para kay Zeinab

- Malaki raw kasi ang pasasalamat niya sa YouTube star dahil ito ang tumulong sa kanya sa pagpasok nito sa mundo ng pagkakaron ng vlogs at sariling channel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mamahaling bag at iilang piraso lang daw nito sa mundo ang ibinigay na regalo ni Wilbert Tolentino sa kanyang "Mima" na si Zeinab Harake.

Nalaman ng KAMI na talagang nag-effort sa paghahanap si Wilbert ng regalo na alam niyang magugustuhan talaga ng YouTube Star na si Zeinab.

"Alam ko ang kinababaliwan niya ay mga bagelya. Chanel, LV, mga Dior... Ganyan ka-sosyal ang aking Mamshie"

Read also

Magsasaka sa KMJS na nagpaiyak sa marami, muling nabigyan ng tulong

Zeinab Harake, niregaluhan ng mamahaling bag ng manager ni Madam Inutz
Si Wilbert Tolentino kasama ang birthday girl na si Zeinab Harake (Photo from Wilbert Tolentino)
Source: Facebook

Nakadalawang mall pa ang napuntahan ni Wilbert bago siya nakahanap ng Louis Vuitton kung saan niya nabili ang sosyal na bag para kay Zeinab.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilang bags pa ang kanyang pinagpilian dahil gusto niyang nababagay at magugustuhan talaga ni Zeinab ang kanyang ibibigay.

"I think si Zeb gusto niya limited edition... Kumbaga siya lang meron. Kilala ko yan, parang ako din. Nagpahanap pa ako ng ibang choices na limited edition."

Ito rin daw ang kanyang paraan ng pasasalamat kay Zeinab na bilang batikang vlogger ay siyang gumabay kay Wilbert pagdating sa pagkakaroon ng sariling YouTube channel.

Si Wilbert Tolentino ay isang negosyante sa Pilipinas. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Read also

Neri Miranda, umalma sa netizens na nang-intriga sa kanyang family picture

Talent manager din siya ng ilang mga kilalang vloggers sa bansa at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller na si Madam Inutz.

Ngayon, naging aktibo na rin si Madam Inutz sa kanyang YouTube channel sa tulong ng kanyang manager na madalas siyang kasa-kasama sa mga videos nito.

Isa rin si Madam Inutz sa mga official housemates ni Kuya sa Pinoy Big Brother Season 10. Bago pumasok sa bahay ni Kuya, ibinigay na ni Wilbert ang kanyang regalong bahay at lupa kay Madam Inutz para magsilbing motivation nito sa pagsabak sa PBB.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel