Neri Miranda, umalma sa netizens na nang-intriga sa kanyang family picture

Neri Miranda, umalma sa netizens na nang-intriga sa kanyang family picture

- Sa ibinahaging family picture ni Neri Miranda bilang pagbati sa mister na si Chito Miranda para sa kanilang 7th year wedding anniversary, naging katanungan ng ilang netizens kung sino ang batang babaeng kasama nila

- Minabuti ni Neri na sagutin ang mga pang-iintriga upang matuldukan na ang mga aniya'y panghuhusga at paggawa ng kwento

- Diretsahan niyang sinabi na daughter nila ang batang babae na kanyang tinawag na Pia

- Pinasalamatan niya naman ang mga pagbati na kanyang natanggap at aniya'y ramdam na ramdam niya ang pagmamahal para sa kanila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi na nakapagtimpi si Neri Miranda matapos mabahiran ng intriga ang dapat sana'y masayang pagbati niya sa kanyang mister na si Chito Miranda para sa kanilang 7th year wedding anniversary.

Neri Miranda, umalma sa mga netizens na nang-intriga sa batang babae na kasama nila
Chito Miranda at Neri Naig (@mrsnerimiranda)
Source: Instagram

Ang kanilang family picture na kuha ng Nice Print Photography ang ibinahagi ni Neri kalakip ng kanyang pagbati. Gayunpaman, marami sa mga netizens ang nagtatanong kung sino ang batang babae. Mayroong mga nagsasabing kapatid ito ng aktres at meron ding nagsasabing anak umano ni Chito ito sa ibang babae.

Read also

Alwyn Uytingco, masayang ibinahagi ang pictures kasama ang kanyang mag-iina

Diretsahan niyang sinabi na daughter nila ang batang babae na kanyang tinawag na Pia.

Pinasalamatan niya naman ang mga pagbati na kanyang natanggap at aniya'y ramdam na ramdam niya ang pagmamahal para sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang tugon ni Neri:

Thank you sa pagmahahal at pagbati sa aming anibersayo ❤ Ramdam ko ang pagmamahal po ninyo. At sa mga Maritess, Pia is our daughter. Every child deserves a home and love. Period. Ok na? Gets na yan? Grabe ang pagiging tsismosa ng ibang tao. Nahusgahan at nagawan na ng mga kwento.

Si Neri Miranda ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang sumali siya sa talent search na Star Circle Quest. Ikinasal siya sa bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Read also

Alexa kay Brenda: "Natatawag na niya akong mukhang tanga at desperada”

Hindi man natuloy ang kanyang pag-aartista, naging matagumpay si Neri sa kanyang pagnenegosyo. Hindi niya ikinahiya ang kanyang pinagmulan bago pa siya sumikat.

Napalago niya ang kanyang negosyo at nakapagpundar ng mga ari-arian. Maging ang kanyang asawang si Chito ay hindi maitago ang pagiging proud nito sa mga na-achieve ng kanyang maybahay na nakilala sa bansag na 'wais na misis' dahil sa pagiging madiskarte nito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel