Wilbert Tolentino sa nominadong si Madam Inutz: "Itlog nalang ulam ko hanggang year 2025"

Wilbert Tolentino sa nominadong si Madam Inutz: "Itlog nalang ulam ko hanggang year 2025"

- Hindi napigilang maglabas ng saloobin ang manager ni Madam Inutz na si Wilbert Tolentino sa pagiging nominado muli nito sa Pinoy Big Brother

- Una niyang nasabi na hindi umano marunong mag-strategize si Madam Inutz na nagbigay ng 2 points para kay Brenda sa positive nomination nila

- Ilang post ni Wilbert ang nagsabi na pagod na umano siya at kailangan niya munang magpahinga kaya naman pinasalamatan na niya ang mga susuporta sa kanyang alaga

- Nagbiro rin siyang itlog na lamang ang kanilang ulam hanggang 2025 na may kaugnayan umano sa laki ng naibagsak niyang halaga upang maisalba sa eviction si Madam Inutz sa unang pagkakataon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Halos sunod-sunod ang mga post ni Wilbert Tolentino, manager ni Madam Inutz nang maging nominado na naman ang kanyang alaga sa Pinoy Big Brother.

Read also

Wilbert sa mga pumuna sa muling pagkakasalba ni Madam Inutz: "Bakit ako pinupuntirya niyo?"

Nalaman ng KAMI na kabilang si Madam Inutz sa mga nominado ngayong linggo na nanganganib na mapalabas na sa Bahay ni Kuya.

Wilbert Tolentino sa nominadong si Madam Inutz: "Itlog nalang ulam ko hanggang year 2025"
Wilbert Tolentino at Madam Inutz (Daisylicious_Ukay)
Source: Facebook

Sa isang tweet ni Wilbert, hindi niya napigilang sabihin na hindi pa marunong ng strategy si Madam Inutz na binigyan ng 2 points si Brenda Mage sa positive nomination nila.

Malaking bagay umano ito para maging ligtas si Brenda sa nominasyon dahil sila ni Alyssa Valdez ang nakakuha ng mataas na puntos.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa mismong araw naman bago i-ere ang positive nomination ng mga housemates, nakuha pang magbiro ni Wil na itlong na lamang ang kanilang kakainin hanggang 2025.

Sinasabing may kaugnayan umano ito sa laki ng kanyang naibagsak na halaga para kay madam Inutz nang maging nominado ito sa unang pagkakataon.

Sa pinakabago naman niyang post, sinabi niyang kinailangan niya munang magpahinga para na rin sa sariling kalusugan, kaya naman maaga na niyang pinasalamatan ang mga susuporta kay Madam Inutz na hangad niyang makapasok man lang sa Big 4.

Read also

Ogie Diaz Kay Madam Inutz: "Kahit 'di pa siya puwesto 'dun may career na siya"

"Pagoda harrison na po ako. Goodluck po at Advance Congrats po sa mananalo for this 8th Eviction night. i need a break this time for my health. Sa mga lalaban para kay Madam Daisy Lopez, Thank u so much po & Goodluck to Sis Samantha"

Si Wilbert Tolentino ay isang negosyante sa Pilipinas. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Talent manager din siya ng ilang mga kilalang vloggers sa bansa at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller na si Madam Inutz.

Ngayon, naging aktibo na rin si Madam Inutz sa kanyang YouTube channel sa tulong ng kanyang manager na madalas siyang kasa-kasama sa mga videos nito.

Isa rin si Madam Inutz sa mga official housemates ni Kuya sa Pinoy Big Brother Season 10. Bago pumasok sa bahay ni Kuya, ibinigay na ni Wilbert ang kanyang regalong bahay at lupa kay Madam Inutz para magsilbing motivation nito sa pagsabak sa PBB.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel