Big Brother, inanunsyo na ang Final 5 ng PBB; 2 ang hihiranging big winners

Big Brother, inanunsyo na ang Final 5 ng PBB; 2 ang hihiranging big winners

- Imbis na Big 4, Final 5 ang inanunsyo ni Kuya sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10

- Huling evictees sina Alexa Ilacad at KD Estrada kaya naman limang housemates na lamang ang natira sa bahay ni Kuya

- Bukod sa pasabog na Final 5, inanunsyo rin ni Kuya na 2 ang mananalo at hihiranging Top 2 ng Pinoy Big Brother Season 10

- Subalit sinabi ni Kuya na mas matitinding hamon pa ang dadaanan ng limang housemates sa papasok na linggong ito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Intense at talagang makapanindig balahibo ang naging eviction night ngayong Disymebre 26 sa Pinoy Big Brother house.

Nalaman ng KAMI na dalawa muling housemates ang napalabas na sa bahay ni Kuya at ito ay sina Alexa Ilacad at KD Estrada.

Big Brother, inanunsyo na ang Final 5 ng PBB; 2 ang hihiranging big winners
Final 5 ng PBB (Pinoy Big Brother)
Source: Facebook

Nang ipakita ang tally of votes, mapapansing dikit ang laban ng mga housemates kaya naman ang dalawang may pinakamababang combined votes ang lumabas.

Read also

Wilbert Tolentino, pinasalamatan ang mga vlogger friends na todo suporta kay Madam Inutz

Matapos ito, ibinagsak ni Kuya ang una niyang pasabog kung saan imbis na Big 4 nakagawian na sa nga magdaang pinoy Big Brother batch, Final 5 na ngayon sila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Binubuo ito nina Alyssa Valdez, Anji Salvacion, Madam Inutz, Samantha Bernardo at Brenda Mage.

Hindi pa roon nagtatapos ang mga pasabog na anunsyo ni Kuya dahil aniya, imbis na isa, dalawa rin ang hihiranging big winners na tatawaging top 2 ng Pinoy Big Brother Kumunity Celebrity Edition Season 10.

Subalit ayon kay Kuya, dadaan pa rin sa mas matitinding pagsubok ngayong linggo ang limang natirang housemates sa kanyang bahay.

Isa ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Read also

Brenda Mage, inaming ang kanyang ATM ang pinakamalaking naibigay sa kanyang BF

Makalipas ang nasa sampung linggo, muli naman magtatapos ang isang edisyon ng Pinoy Big Brother kung saan mga celebrity ang mga naging housemates ni Kuya.

Kabilang sa mga celebrity housemates ay sina Karen Bordador, Tj Valderrama at Eian Rances.

Humarap sa mga matitinding kontrobersya ang mga housemates na ito mula sa mga taong nakasubaybay sa kanila sa outside world.

Ilan sa mga ito ay ang naging usapan nina Eian Rances at Brenda Mage sa pagsisimula pa lamang ng PBB na humantong naman sa kanilang mabuting pagkakaibigan.

Gayundin ang umano'y closeness nina Shanaia kay TJ na mismong sila at mga housemates ang nagsabing walang malisya ang pagiging malapit ng dalawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel