Latest evictee na si Eian sa may pinakamaraming sakripisyo sa loob ng PBB: "It's Brenda!"

Latest evictee na si Eian sa may pinakamaraming sakripisyo sa loob ng PBB: "It's Brenda!"

- Sa paglabas ni Eian Rances mula sa bahay ni Kuya, natanong siya ni Bianca Gonzales kung sino para sa kanya ang may pinakamalaking sakripisyo sa kanilang Kumunity housemates

- Aniya, si Brenda ito dahil sa kabila ng alam niyang pinagdaraanan nito sa labas ng PBB house, napagtatagumpayan nito ang mga task

- Ang pagiging matatag din ni Brenda sa mga hamon sa labas ay nadala rin daw nito sa loob ng bahay ni Kuya

- Si Eian ang latest evictee ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 kasama si Jordan Andrews

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Natanong si Eian Rances ng Pinoy Big Brother host na si Bianca Gonzales kung sino para sa kanya sa mga natitirang housemates sa loob ng bahay ni Kuya ang kinakitaan niya ng matinding sakripisyo.

Nalaman ng KAMI na si Brenda ang napili ni Eian na isagot sa tanong na ito ni Bianca na tila nahirapan siyang sagutin.

Read also

Brenda Mage, inaming ang kanyang ATM ang pinakamalaking naibigay sa kanyang BF

Latest evictee na si Eian sa may pinakamaraming sakripisyo sa loob ng PBB: "It's Brenda!"
Eian Rances (Photo from Pinoy Big Brother ABS-CBN)
Source: Facebook
"Wow sakripisyo ah sige, para sa 'kin, kung sakripisyo ang pag-uusapan na lahat ibinigay todo, lahat naman kami, pero from the outside na dinala niya sa loob ng bahay yung sakripisyo na 'yun... It's Brenda!"

Paliwanag ni Eian, tila nadala ni Brenda sa loob ng bahay ni Kuya ang katatagan nitong lumaban sa anumang pagsubok sa buhay kaya naman napagtatagumpayan nito ang mga task na ibinibigay sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Hindi shinare ni Brenda 'yung hirap na pinagdaanan niya sa labas, na dinala niya yun hanggang loob. kumbaga ipinakita rin niya sa'min na naghihirap din siya sa labas at alam kong gustong-gusto niya 'to. matagal niyang pinagdasal 'to," dagdag pa ni Eian.

Kasabay ni Jordan Andrews, si Eian ang pinakabagong evictee sa Pinoy Big Brother house.

Isa ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Read also

Brenda Mage sa Christmas message niya para sa BF na si Kelvin: "Thank you for accepting me"

Sa muling pagbubukas ng bahay ni Kuya ngayong 2021, season 10 na ng Pinoy Big Brother at pawang mga celebrity ang kanyang mga bisita at isa na rito ang komedyanteng si Brenda Mage.

Kamakailan, nag-viral ang post ng malapit na kaibigan ni Brenda Mage na si Juliana Parizcova Segovia. Pinalalabas na niya umano ang kaibigang si Brenda.

Nasasaktan na raw umano si Juliana sa mga pambabatikos sa kanyang kaibigan at sinabi nitong mas maisasalba ni Brenda ang kanyang pangalan kung makalalabas na siya ng Bahay ni Kuya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel