Brenda Mage, inaming ang kanyang ATM ang pinakamalaking naibigay sa kanyang BF

Brenda Mage, inaming ang kanyang ATM ang pinakamalaking naibigay sa kanyang BF

- Makulit na inamin ni Brenda Mage na ang kanyang ATM card ang pinakamalaking naibigay sa kanyang boyfriend

- Maliit man daw ang card ngunit may kalakihan naman kahit na paano ang laman nito

- Ang tanong na lang niya ngayon ay kung magkano na lamang ang laman nito ngayong nasa loob pa rin siya ng bahay ni Kuya

- Samantala, ligtas naman si Brenda sa katatapos lamang na eviction night ng Pinoy Big Brother celebrity edition, season 10

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bahagi ng ABS-CBN Christmas Special ngayong taon ang ang mga Pinoy Big Brother Season 10 celebrity housemates.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga bahagi ng presentation ng housemates ay ang makulit na usapan nina Brenda mage at Madam Inutz patungkol sa pag-ibig.

Naitanong ni Madam Inutz kay Brenda kung ano nga ba ang pinakamalaking bagay na naibigay niya sa kanyang jowa.

Read also

Brenda Mage sa Christmas message niya para sa BF na si Kelvin: "Thank you for accepting me"

Brenda Mage, inaming ang kanyang ATM ang pinakamalaking naibigay sa kanyang BF
Brenda Mage kasama ang kanyang boyfriend na si Kelvin (Photo from Brenda Mage)
Source: Facebook

Natatawang sinagot ito ni Brenda na ang kanyang ATM ang kanyang malaking naibigay sa kanyang boyfriend na si Kelvin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Wala naman masyado, hindi naman siya masyadong malaking bagay... ATM ko," sagot ni Brenda kaya naman napa- Oh my God si Madam Inutz na tila hindi makapaniwala.

"Yeah, umm... maliit lang siyang ATM pero malaki 'yung laman kahit papano, Ang tanong na lang ngayon ay kung magkano na lang ang laman," dagdag pa ni Brenda.

Samantala, ligtas pa rin si Brenda sa eviction night ngayong Disyembre 19 kung saan sina JOrdan at Eian ang napalabas na ng bahay ni Kuya.

Isa ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Read also

Brenda Mage, kasalukuyang nangunguna sa mga nais isalba sa 7th eviction ng PBB

Sa muling pagbubukas ng bahay ni Kuya ngayong 2021, season 10 na ng Pinoy Big Brother at pawang mga celebrity ang kanyang mga bisita at isa na rito ang komedyanteng si Brenda Mage.

Kamakailan, nag-viral ang post ng malapit na kaibigan ni Brenda Mage na si Juliana Parizcova Segovia. Pinalalabas na niya umano ang kaibigang si Brenda.

Nasasaktan na raw umano si Juliana sa mga pambabatikos sa kanyang kaibigan at sinabi nitong mas maisasalba ni Brenda ang kanyang pangalan kung makalalabas na siya ng Bahay ni Kuya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel