Brenda Mage, kasalukuyang nangunguna sa mga nais isalba sa 7th eviction ng PBB

Brenda Mage, kasalukuyang nangunguna sa mga nais isalba sa 7th eviction ng PBB

- Nangunguna si Brenda Mage sa mga nais umanong maisalba pa sa 7th eviction ng Pinoy Big Brother celebrity edition Season 10

- Tumataginting na mahigit 16 million diamonds na ang ibinabagsak sa kanya sa Kumu para lamang siya'y maisalba

- Pumapangalawa naman sa kanya si Alexa na mayroong halos 8 million diamonds

- Matatandaang naging kontrobersyal si Brenda kamakailan dahil sa reaksyon siya sa nagiging closemess umano nina Eian at Alexa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tila nais pa rin ng publiko na mapanood si Brenda Mage sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 dahil siya ang kasalukuyang nangunguna at may pinakamataas na 'votes to save' na natatanggap.

Nalaman ng KAMI na isa si Brenda sa mga nominado na maaring lumabas na ng bahay ni Kuya sa 7th eviction nitght sa Disyembre 19.

Pumapalo na sa mahigit 16 million diamonds ang natatangap ni Brenda na para mai-save pa siya.

Brenda Mage, kasalukuyang nangunguna sa mga nais isalba sa 7th eviction
Photo: Brenda Mage
Source: Instagram

Pumapangalawa naman sa kanya ang umano'y pinagseselosan niya dahil kay Eian na si Alexa. Mayroon namang nasa 8 million diamonds si Alexa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang iba pang mga nomindo sa 7th eviciton at sina KD, Anji, Jordan at Eian.

Matatandaang kamakailan lamang ay naging kontrobesyal si Brenda dahil sa pag-amin nitong nakararamdam ng selos sa closeness nina Alexa at Eian.

Diniretsa ni Brenda si Eian ng patungkol sa kanyang nararamdaman at nilinaw niyang seloso siya maging sa mga kaibigan.

Samantala, narito ang tally ng botohang nagaganap din sa KUMu. Naibahagi rin ito ng The Scoop:

Isa ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Sa muling pagbubukas ng bahay ni Kuya ngayong 2021, season 10 na ng Pinoy Big Brother at pawang mga celebrity ang kanyang mga bisita.

Kamakailan, nag-viral ang post ng malapit na kaibigan ni Brenda Mage na si Juliana Parizcova Segovia. Pinalalabas na niya umano ang kaibigang si Brenda Mage.

Nasasaktan na raw umano si Juliana sa mga pambabatikos sa kanyang kaibigan at sinabi nitong mas maisasalba ni Brenda ang kanyang pangalan kung makalalabas na siya ng Bahay ni Kuya

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel