Juliana Parizcova Segovia sa kaibigang si Brenda Mage; "Sige na lumabas ka na ng bahay ni kuya"

Juliana Parizcova Segovia sa kaibigang si Brenda Mage; "Sige na lumabas ka na ng bahay ni kuya"

- Viral ang post ni Juliana Parizcova Segovia patungkol sa kaibigan niyang si Brenda Mage na pinalalabas na niya ng bahay ni Kuya

- Labis na raw umanong nasasaktan si Juliana para sa kaibigang sobra nang naba-bash lalo na sa inaakto nito kamakailan sa mga kapwa niya housemates na sina Eian Rances at Alexa Ilacad

- Ipinaalala niya kay Brenda na ang isang gawain ay maaring makabura ng maraming pagkakataon na napasaya nito ang mga tao

- Siniguro naman ni Juliana na sa panahong makalabas na ng PBB house si Brenda, kaibigan pa rin niya itong ituturing

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinalalabas na ni Ms. Q&A 2018 ng It's Showtime na si Juliana Parizcova Segovia ang kaibigan niyang si Brenda Mage na ngayo'y kontrobersyal sa loob ng Pinoy Big Brother house.

Nalaman ng KAMI na idinaan ni Juliana sa isang Facebook post ang saloobin niya tungkol sa mga nangyayari sa kaibigan na bahagi ng PBB Kumunity season 10.

Read also

Alexa kay Brenda: "Natatawag na niya akong mukhang tanga at desperada”

Juliana Parizcova Segovia sa kaibigang si Brenda Mage; "Sige na lumabas ka na ng bahay ni kuya"
Photo: Juliana Parizcova Segovia
Source: Facebook
"Brenda Mage, Sige na lumabas ka na ng bahay ni kuya. Masyado ka ng durog na durog dahil sa mga nakikita nila at bilang isang tunay na kaibigan, mas gusto ko na lumabas ka para maisalba mo pa ang pangalan mo na unti-unting nasisira habang nasa loob ka ng bahay...Dito mo sa labas ipagpatuloy ang pangarap mo," pagmamalasakit ni Juliana sa kapwa niya komedyante.

Ayon kay Juliana, mas madaling maitutuwid ni Brenda ang mga sa tingin ng tao'y mali nitong nagagawa kung nasa labas siya ng bahay ni Kuya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Labas na Brends tulad ng sinasabi ko lagi sayo noon,sa isang pagkakamali mo malilimutan nila kung ilang beses mo sila napasaya..yan ang masakit na realidad ng buhay," dagdag pa niya.

Nasasaktan na rin daw si Juliana sa mga nababasa niyang komento ng publiko patungkol kay Brenda.

Read also

BF ni Brenda Mage, sinaway ng mga kasama nang amining nagseselos ito kay Eian

Gayunpaman, siniguro niyang sa paglabas ni Brenda sa PBB house, naroon pa rin siya bilang isang kaibigan.

Narito ang kabuuan ng post:

Isa ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Sa muling pagbubukas ng bahay ni Kuya ngayong 2021, season 10 na ng Pinoy Big Brother at pawang mga celebrity ang kanyang mga bisita.

Bukod sa komedyanteng si Brenda Mage, official housemates din sina Madam Inutz, Alexa Ilacad, volleyball star na si Alyssa Valdez at Miss Grand International 1st runner-up na si Samantha Bernardo.

Humarap muna ang mga housemate sa kani-kanilang task sa KUMU live streaming bago tuluyang pumasok sa bahay ni Kuya noong Oktubre 16.

Marami nang kontrobersiya ang hinarap ng mga housemates at isa sa mga naging maingay sa social media ay ang naging isyu nina Brenda, Eian at Alexa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel