Brenda Mage, umatras sa kanyang role sa Darna at mas piniling maging housemate ni Big Brother

Brenda Mage, umatras sa kanyang role sa Darna at mas piniling maging housemate ni Big Brother

- Naikwento ni Brenda Mage sa PBB na isa sana siya sa cast ng 'Darna' na pagbibidahan ni Jane De Leon

- Nagbiro pa si Brenda na siya raw sana si 'Valentina' na gagampanan naman ni Janella Salvador

- Ayon kay Brenda, tinanggihan niya umano ang role sana niya sa serye para lamang daw makapasok sa Pinoy Big Brother

- Kamakailan, ginamit na ni Brenda ang kanyang 'power to save' matapos ang automatic nomination sa kanilang grupo na natalo sa kanilang task

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nabanggit ng komedyante na si Brenda Mage na isa pala sana siya sa cast ng ipalalabas na serye na 'Darna' na pagbibidahan ni Jane De Leon.

Nalaman ng KAMI na sa task nila ng pagsasabi kung 'real o fake news' ang mga balitang inihahatid sa kanila ng kapwa housemate na si Eian Rances.

Read also

Madam Inutz, nominado sa unang pagkakataon sa PBB house

Brenda Mage, umatras sa kanyang role sa Darna at mas piniling maging housemate ni Big Brother
Photo: Brenda Mage
Source: Instagram

Brenda Mage, umatras sa kanyang role sa Darna at mas piniling maging housemate ni Big Brother'

"Fake news" ang isinagot nila rito dahil nagbiro si Brenda na siya raw sana si Valentina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang tanungin siya ni Big Brother sa confession room, doon naikwento ni Brenda na bahagi nga sana siya ng 'Darna' subalit hindi na niya nabanggit kung ano ang role niya sana roon.

"Kasama po sana ako sa Darna, pero mas pinili ko pong makilala kayo!"

Narito ang kabuuan ng video na naibahagi rin ng PBB Season 10 Full Episodes:

Isa ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Read also

Ivana Alawi, niregaluhan ng mamahaling alahas ang kanyang PA

Sa muling pagbubukas ng bahay ni Kuya ngayong 2021, season 10 na ng Pinoy Big Brother at pawang mga celebrity ang kanyang mga bisita.

Bukod kay Brenda Mage, official housemate din sina Madam Inutz, Alexa Ilacad, volleyball star na si Alyssa Valdez at Miss Grand International 1st runner-up na si Samantha Bernardo.

Humarap muna ang mga housemate sa kani-kanilang task sa KUMU live streaming bago tuluyang pumasok sa bahay ni Kuya noong Oktubre 16.

Marami nang kontrobersiya ang hinarap ng mga housemates at isa sa mga naging maingay sa social media ay ang umano'y harassment na nangyari sa loob na pinabulaanan naman mismo ng mga housemates.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel