Ivana Alawi, niregaluhan ng mamahaling alahas ang kanyang PA

Ivana Alawi, niregaluhan ng mamahaling alahas ang kanyang PA

- Mamahaling alahas ang ibinigay na regalo ni Ivana Alawi sa kanyang assistant na si KC

- Kasabay ito ng birthday celebration din ng kanyang ate na si Amira

- Mababakas ang tuwa kay KC gayung first time lamang niyang makatanggap alahas na may diamond

- First time din umano niyang makatanggap ng bonggang bouquet ng mga bulaklak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Walang pagsidlan ng saya ang personal assistant ni Ivana Alawi na si KC dahil umano sa mga surpresang inihanda nito para sa kanyang kaarawan.

Nalaman ng KAMI na inakala ni KC na walang celebration para sa kanyang birthday na isinabay na rin pala nina Ivana sa birthday celebration ng kanilang ate Amira.

Ivana Alawi, niregaluhan ng mamahaling alahas ang kanyang PA
Ivana Alawi (@ivana_alawi)
Source: Facebook

Matapos ang kanilang bonggang lunch sa Hotel Okura Manila, ibinigay ni Ivana ang kanyang gifts kina KC at Ate Amira.

Read also

Rob Moya, todo-pasalamat kay Toni Fowler dahil sa pagtulong nito sa kanya

Nagulat si KC na binigyan siya ni Ivana ng diamond earrings bilang regalo sa kanyang ika-23 na kaarawan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

First time lamang daw na magkaroon ng diamante ni KC kaya naman labis siyang nagpasalamat kay Ivana.

Pabiro namang pinaalalahanan ni Ivana ang kanyang PA na huwag itong isangla.

Bukod pa rito, first time din ni KC na makatanggap ng bouquet ng flowers.

Si Mama Alawi naman, rubber shoes ang regalo kay KC na suot niya nang araw na iyon.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Ivana Alawi YouTube channel:

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 14 million ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Wil Dasovich, nagbahagi ng nakakaantig na mensahe sa kanyang vlog sa Nepal

Kamakailan, naging usap-usapan ang ilan sa mga vlogs ni Ivana na nagpapakita ng labis na pagmamahal at pagmamalasakit niya sa kanyang pamilya.

Tulad na lamang nang maikwento ni Ivana na nag-agaw buhay na umano ang kapatid na si Mona. Handa raw siyang gawin ang lahat, kahit na magkano, mapagaling lamang ang kapatid sa kondisyon nito.

Natuwa rin ang mga netizens sa challenge ni Ivana sa kanyang nanay kung saan niregaluhan niya ito ng isang milyong piso sa kanayang kaarawan.

Maging ang no cellphone challenge na inakala ng marami na basta challenge lamang, iyon pala pinalitan ni Ivana ng pinakabagong iPhone ang mga cellphone ng kanyang pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel