Wil Dasovich, nagbahagi ng nakakaantig na mensahe sa kanyang vlog sa Nepal

Wil Dasovich, nagbahagi ng nakakaantig na mensahe sa kanyang vlog sa Nepal

- Sa kanyang ikalawang bahagi ng vlog na kuha sa Nepal kung saan sumali siya sa isang event para sa mga vloggers, makahulugan ang mga binitawang salita ni Wil Dasovich

- Marami sa kanyang karanasan sa kanyang pag-akyat sa Mt. Everest ay naikonekta lalo na ng mga netizens sa paghihiwalay nila ni Alodia Gosiengfiao

- Nabanggit din ni Wil sa kanyang Instagram post na sa pamamagitan ng video na kanyang ibinahagi ay masasagot ang ilan sa mga katanungan

- Matatandaang nitong Nobyembre lang din kinumpirma ni Alodia ang tungkol sa kanilang paghihiwalay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami sa mga fans ng WiLodia ang naging emosyonal sa pangalawang bahagi ng video ni Wil Dasovich na kuha sa kanyang pagpunta kamakailan sa Nepal para sa isang event para sa mga vloggers. Marami sa kanyang karanasan sa kanyang pag-akyat sa Mt. Everest ay naikonekta ng mga netizens sa paghihiwalay nila ni Alodia Gosiengfiao.

Read also

Amy Perez, sa kanyang isang buwang pamamahinga: "Nauubos na pala ako"

Wil Dasovich, nagbahagi ang nakakaantig na mensahe sa kanyang vlog sa Nepal
Wil Dasovich and Alodia Gosiengfiao (@alodia)
Source: Instagram

Hindi niya natapos ang pag-akyat sa pinakatuktok ng Everest na itinuturing na pinakamataas na bundok sa daigdig. Gayunpaman, ayon kay Wil ay palagi niyang babaunin ang mga alaala ng kanyang pagiging bahagi ng paglalakbay na iyon.

Narito ang reaksiyon ng ilan sa masugid na tagasuporta ng tambalan nila ni Alodia.

Here I am watching this video again. I never thought a celebrity breakup would have this big of an impact sa akin. I’m not usually affected sa mga couple breakups sa showbiz pero my heart was shattered and still is when I found out na wla na kayo ni Alodia. I even feel foolish for leaving this comment that I’m sure you will not notice. I watched your Magpakailanman story and I cried my eyes out while watching. We don’t know the real story behind but I hope you two will continue living for your purpose. It’s selfish for us to ask na magkabalikan pa kayo so here I am just wishing that you both have a wonderful life even when you’re apart. Your love was great. It will always be.

Read also

Pagbati ni Kimpoy Feliciano kay Heaven Peralejo, viral na

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Got me crying again.The messages behind those words. It left me speechless. You made an incredible journey not knowing what lies ahead but still went thru it all. Kudos to you Wil.
Sobrang nakakaiyak yung dulo, Wil!! sobrang ganda neto, part 1 and 2 sobrang deep ng messagemo. I've been your fan since PBB days. Stay strong Wil! God bless

Si Alodia Gosiengfiao ay nakilala bilang isa sa pinakasikat na cosplayer sa bansa. Isa din siyang game streamer at vlogger. Naging usap-usapan ang pagpunta ni Alodia sa US noong nagkasakit si Wil Dasovich at nagpapagaling sa cancer. Matagumpay din si Alodia sa larangan ng kanyang negosyo. Isa siya sa may-ari ng Tier 1 Entertainment, isang e-sports entertainment company.

Kamakailan ay nagpadisenyo pa ng kanilang bahay sina Wil at Alodia sa sikat na vlogger at architect na si Oliver Austria. Sabay nilang pinanood ang unang bahagi ng virtual tour sa dinesenyong bahay. Gayunpaman, mag-isa na lamang si Wil sa pagreact sa ikalawang bahagi video ng Mantsong.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel