Amy Perez, sa kanyang isang buwang pamamahinga: "Nauubos na pala ako"

Amy Perez, sa kanyang isang buwang pamamahinga: "Nauubos na pala ako"

- Ikinuwento ni Amy Perez sa kanyang vlog kung bakita nga ba siya pangsamantalang nawala sa kanyang mga shows

- Isa umano siya sa mga taong naapektuhan ng paendemya sa aspetong nakalimutan na niyang intindihin ang sarili dahil sa pag-intindi niya sa iba

- Dahil dito, binigyan niya ng oras ang sarili at isa na rito ay ang pagpunta niya sa Bohol kasama ang mga kaibigan

- Ngayong Nobyembre 27, masaya ang naging pasabog nila sa magpasikat sa It's Showtime na isa sa mga magagandang naganap sa kanyang pagbabalik hosting

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ni Amy Perez ang mga naging kaganapan sa kanyang buhay lalo na sa isang buwan niyang pamamahinga sa It's Showtime.

Nalaman ng KAMI na buong tapang na isiniwalat ni Tyang Amy ang pinagdaanan niyang pagsubok ngayong pandemya.

Read also

Pagbati ni Kimpoy Feliciano kay Heaven Peralejo, viral na

Amy Perez, sa kanyang isang buwang pamamahinga: "Nauubos na pala ako"
Amy Perez (Photo from Fun Fun Tyang Amy)
Source: Facebook

Bagaman at mas marami raw siyang ipinagpapasalamat tulad ng oras sa kanyang pamilya, tila nalimutan naman niyang intindihin ang kanyang sarili.

"Nauubos na pala ako. Hindi ko napapansin napapabayaan ko na pala ang mental health ko tapos 'yung sarili ko. So that's the reason why I had to take this break for a month from 'Skto' and 'It's Showtime," naiiyak na pagpapaliwanag ni Tyang Amy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, ikinonsulta na niya sa doktor ang napapansin sa sarili lalo na at hindi raw talaga siya iyong tip ng tao na nang-iistorbo pa ng iba para sa kanyang problema.

"Sabi ng doctor sa'kin, 'you forgot about yourself, you forgot loving yourself. Ang feeling ko at a certain point parang nag-fail ako. Parang nag-fail ako to do my best... sa work, as a mom, as a wife so, upto now 'yon pa rin yung pina-process ko," paliwanag pa ni Amy.

Read also

Izzy Trazona, nilinaw na hindi niya pa alam na buntis siya sa binahagi niyang video

Lalo siyang naalarma gayung nangyari pa ito sa panahong wala si Vice sa It's Showtime dahil sa ilang shows niya sa Amerika.

"Parang feeling ko talaga, bakit ngayon ako nag-breakdown. Bakit ako ngayon nagkaganito kung kailan ako kailangan sa work so I feel so bad talaga."

Gayunpaman, binigyan din ni Tyang Amy ang kanyang sarili at nagpunta sila ng kanyang mga kaibigan sa Bohol.

Mababakas naman ang saya at pag-unwing ni Amy sa Bohol kaya naman pinasalamatan niya ang lahat ng tumulong at nag-asikaso sa kanila roon.

Narito na ang video mula sa YouTube channel ni Amy Peres na Fun Fun Tyang Amy:

Si Amy Perez ay isa sa mga kilalang aktres at TV host sa bansa. Kasalukuyan siyang bahagi ng noontime show na It's Showtime kasama sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario at iba pa.

Isa sa mga masasayang kaganapan sa kanyang pagbabalik sa Showtime ay ang pagkapanaolo ng gupo nila Kim Chiu sa taunang "Magpasikat."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel