Izzy Trazona, nilinaw na hindi niya pa alam na buntis siya sa binahagi niyang video

Izzy Trazona, nilinaw na hindi niya pa alam na buntis siya sa binahagi niyang video

- Bilang dating miyembro ng sikat na girl group na Sexbomb, madalas pa rin magbahagi si Izzy Trazona ng kanyang mga videos kung saan sumasayaw siya

- Sa kanyang pinakabagong post ay inunahan niya na ang kanyang Obstetrician-Gynecologist para hindi siya mapagalitan

- Nilinaw niyang kuha ang ibinahagi niyang video bago pa niya malamang buntis siya kaya aniya ay huwag sana siyang pagalitan

- Sa kanyang ginamit na hashtag, hindi din niya ikinailang nami-miss niya na ang pagsasayaw

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dalawang araw matapos niya isapubliko ang tungkol sa kanyang pagdadalang-tao, nagbahagi si Izzy Trazona ng video niya sa TikTok kung saan nagsasayaw siya. Naka-tag din ang kanyang OB sa naturang post.

Izzy Trazona, nilinaw na hindi niya pa alam na buntis siya sa binahagi niyang video
Izzy Trazona (izzytrazona_aragon)
Source: Instagram

Nilinaw niyang hindi pa niya alam na buntis siya sa binahagi niyang video kaya aniya ay wag sana siyang mapagalitan.

o my OB @kitmd_ Hindi po ito now haha this is before I discovered that I am pregnant Wag mopo ako pagalitan #missdancingalready

Sa kanyang ginamit na hashtag, hindi din niya ikinailang nami-miss niya na ang pagsasayaw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon ng mga netizens:

Hahahaha wag na po pagalitan, mamimiss namin nh ilang months ang sayawan. Hehehe
Muntik na kitang pagalitan mama buti na lng may disclaimer!
Hi po Miss Izzy, good morning po. Congratulations po sa bagong baby.. Can't wait po na makita ang 3rd baby niyo po. Wow magiging Ate na po kina baby Yna at baby Zoe.

Sa kanyang naunang post ay binahagi ni Izzy ang picture ng positive result ng kanyang pregnancy test. Bumuhos ang pagbati para sa dating Sexbomb girl.

Si Izzy Trazona ay isa sa pinakaunang miyembro ng girl group na sexbomb na unang sumikat sa noontime how na Eat Bulaga. Ilan sa mga TV shows na kanyang kinabilangan ay Daisy Siete (2003), Ilumina (2010) and Bakit Papa? (2002).

February 2012 nang ikasal siya sa Starstruck season 1 avenger na si Alvin Aragon. Nabiyayaan ang mag-asawa ng tatlong anak na kanilang pinangalanang sina Andrei Dewey Trazona, Yanna, at Zoey.

Bukod kay Izzy, may mga sariling pamilya na rin sina Jopay Paguia at ang tinuturing na leader ng grupo na si Rochelle Pangilinan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel