Jennica Garcia, binura ang mga pictures sa IG matapos makatanggap ng message mula sa ama

Jennica Garcia, binura ang mga pictures sa IG matapos makatanggap ng message mula sa ama

- Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica Garcia ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia

- Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot

- Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message

- Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Minabuting burahin na lamang ni Jennica Garcia ang kanyang picture na kanyang binahagi sa Instagram matapos niyang makatanggap ng mensahe mula sa kanyang ama. Kinabahan umano siya dahil bukod sa may naka-caps lock sa text, dalawang beses itong na send sa kanya.

Jennica Garcia, binura ang mga pictures sa IG matapos makatanggap ng message mula sa ama
Jennica Garcia Uytingco (@jennicauytingco)
Source: Instagram

Tinawag din siyang Jennica ng ama niya at hindi umano ito normal dahil palambing ang tawag sa kanya ng kanyang ama.

Read also

Alexa Ilacad, bumuhos ang luha nang isiwalat sa ina ang kanyang kondisyon

Aniya, "Anak ko" o di kaya'y "Mahal ko" ang kadalasang tawag sa kanya ng kanyang papa. Dagdag pa niya, sa kanyang edad na 31 at magiging 32 sa susunod na buwan, inakala niyang pwede na siyang mag post ng mga pictures niya nang hindi kakabahan na mapapagsabihan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

kala ko pag 31 years old, turning 32 next month pwede na. Sabay nag text ang Papa Jigo ko. Ginamitan ako ng CAPSLOCK. Dalawang beses sinend! Syempre natakot tayo, opo. Dapat makinig sa magulang, opo. Binura natin agad yung picture na in-upload natin this morning kahit hindi naman sinabing burahin. Marunong dapat tayo makiramdam, opo.

Napag-isip-isip niya rin na huwag nang ituloy ang pag-upload ng iba pa niyang pictures na binabalak pa lamang niyang i-upload.

May mga gusto pa ko i-upload in the coming days, wag na natin ituloy.Mahirap ng magamitan ulit ng capslock ni Papa.

Read also

Dating sumisisid ng barya sa pier, may masters degree na ngayon

Nilinaw din niyang mabait ang ama niya ngunit conservative lamang daw ito.

Sobrang mabait po ang Papa ko, sadyang conservative lang po siya. Si Papa ang nakaka alam ng tama at wasto hehe Dami pa balak ilapag na pictures. Balik rash guard at board shorts ka ngayon.

Si Jennica Garcia ay dating naging aktibo din sa showbiz kagaya ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco. Nang ikasal sila ay napagpasyahan ni Jennica na tumigil muna sa pag-aartista at bigyan ng oras ang kanilang pamilya.

Marami ang humanga sa mag-asawang Jennica at Alwyn dahil sa umano'y pagiging magandang halimbawa. Nang pumutok ang Bulkang Taal, kabilang ang mag-asawa sa mga tumulong sa mga residenteng naapektuhan.

Gayunpaman, marami ang nagkaroon ng agam-agam nang magtanong si Jennica Garcia kung paano papalitan ang kanyang apelyido sa kanyang Instagram account at marami rin ang nakapansin sa pagkawala ng mga litrato ni Alwyn sa kanyang social media account.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel