Jennica Garcia, ibinida sa publiko ang picture ng kanyang Papa Jigo

Jennica Garcia, ibinida sa publiko ang picture ng kanyang Papa Jigo

- Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica Garcia na ipakita ang mukha ng kanyang ama

- Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account

- Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo

- Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

May pa "Papa Reaveal" post si Jennica Garcia matapos niyang ibahagi ang message sa kanya ng kanyang papa kasunod ng pag-post niya ng kanyang picture sa social media. Binura na niya ang nasabing post kasunod ng pagkakatanggap niya ng mensahe ng kanyang ama na tila hindi nagustuhan ang kanyang post.

Read also

Jennica Garcia, binura ang mga pictures sa IG matapos makatanggap ng message mula sa ama

Jennica Garcia, ibinida ang picture ng kanyang Papa Jigo
Jennica Garcia Uytingco (@jennicauytingco)
Source: Instagram

Agad na nag-viral at kinaaliwan ang kanyang naunang post dahil kahit mahigit 30 na ang edad niya ay nakikinig pa rin siya sa kanyang mga magulang.

Ani Jennica, ito ang isa pinakapaborito niyang picture ng kanyang ama. Pabiro pa nitong binawian ng ama at sinabi niyang gagamitan din niya ng caps lock ang ama. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.

Para sa nag re-request ng Papa Reveal, ito po ang favorite picture ko ng Papa Jigo ko. Hmm... CAPSLOCKAN ko nga rin si Papa. Sabihin ko mag damit siya. Tsk! Kala mo po Papa, sesendan po kita Bible Verses. Isa sa Old Testament. Tatlo sa New Testament. Uumpisahan ko message ko ng... "ALFREDO".

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Alexa Ilacad, bumuhos ang luha nang isiwalat sa ina ang kanyang kondisyon

Si Jennica Garcia ay dating naging aktibo din sa showbiz kagaya ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco. Nang ikasal sila ay napagpasyahan ni Jennica na tumigil muna sa pag-aartista at bigyan ng oras ang kanilang pamilya.

Marami ang humanga sa mag-asawang Jennica at Alwyn dahil sa umano'y pagiging magandang halimbawa. Nang pumutok ang Bulkang Taal, kabilang ang mag-asawa sa mga tumulong sa mga residenteng naapektuhan.

Gayunpaman, marami ang nagkaroon ng agam-agam nang magtanong si Jennica Garcia kung paano papalitan ang kanyang apelyido sa kanyang Instagram account at marami rin ang nakapansin sa pagkawala ng mga litrato ni Alwyn sa kanyang social media account.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel