Pagbati ni Kimpoy Feliciano kay Heaven Peralejo, viral na

Pagbati ni Kimpoy Feliciano kay Heaven Peralejo, viral na

- Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Kimpoy Feliciano ang kanyang pagbati para sa kaarawan ni Heaven Peralejo

- Ibinahagi niya rin ang kanilang pictures na magkasama kalakip ng kanyang pasasalamat sa pagdating nito sa buhay niya

- Ipinangako niya rin na lagi lang siyang naroroon para kay Heaven ano man ang mangyari

- Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang ibinahaging pictures ni Kimpoy kasama si Heaven at iba pa nilang mga kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agad na umani ng mga reaksiyon ang post ni Kimpoy Feliciano para sa kanyang pagbati sa kaarawan ni Heaven Peralejo. Kalakip ng pictures nilang magkasama sa beach, ibinahagi ni Kimpoy ang kanyang pagpapasalamat sa aktres sa aniya'y pagdating nito sa kanyang buhay.

Pagbati ni Kimpoy Feliciano kay Heaven Peralejo, viral na
Heaven Peralejo (@heavenperalejo)
Source: Instagram

Ibinahagi niya rin ang kanyang pangako na lagi lang siyang naroroon para sa aktres ano man ang mangyari.

Read also

Direk Bobet Vidanes, ibinahagi ang picture ng kanyang "true friends" na sina Billy Crawford at Kuya Kim

Happy Birthday to this beautiful soul Thank you for coming into my life so unexpectedly! Will be here for you no matter what. That's a promise

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang agad na pinagtanggol ni Kimpoy si Heaven sa mga komento sa nauna niyang post kung saan nakasama niya si Heaven at iba pa nilang kaibigan.

Si Heaven Peralejo ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 kung saan nakilala siya sa bansag na Mommy's Angel of Makati. Pamangkin siya ng mga dating aktres na sina Rica Peralejo at Paula Peralejo. Minsan na siyang naiugnay sa anak Nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel.

Gayunpaman, nagkahiwalay silang dalawa matapos nilang aminin ang kanilang relasyon noong 2019. Samantala, ipinagtanggol ni Jimuel si Heaven kaugnay sa lumabas na isyu at sinabing walang katotohanan na binigyan umano ng kanyang ina ng pera si Heaven.

Read also

Samantha Bernardo, binigyan ng isang puntos si Kyle dahil sa 'di pagtulong sa gawaing bahay

Naging usap-usapan din ang relasyon ng aktres sa aktor na si Kiko Estrada. Matapos linawin ni Kiko na hindi si Heaven ang 3rd party sa hiwalayan nila ng dating kasintahang si Devon Seron, mas naging bukas sila sa pagpost ng kanilang mga pictures.

Muli lang silang naitriga matapos mapansin ng mga netizens na hindi na naka-follow si Kiko sa IG account ni Heaven. Burado na rin lahat ng ibinahaging pictures ni Kiko sa kanyang Instagram kung saan kasama niya ang aktres. Kamakailan lang din nang aminin ni Heaven na single na siya ngunit hindi pa umano ready to mingle.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel