Direk Bobet Vidanes, ibinahagi ang picture ng kanyang "true friends" na sina Billy at Kuya Kim

Direk Bobet Vidanes, ibinahagi ang picture ng kanyang "true friends" na sina Billy at Kuya Kim

- Sa kanyang Instagram post, naibahagi ni Direk Bobet Vidanes ang picture niya kasama sina Billy Cawford at Kuya Kim Atienza

- Inilarawan ng dating direktor ng 'It's Showtime' ang mga ito bilang kanyang forever, good at true friends

- Kapansin-pansin din na limitado ang mga maaring maglagay ng komento sa kanyang Instagram post

- Matatandaang naging kontrobersiyal sila matapos ang kanilang paglipat ng estasyon matapos ang pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Usap-usapan ngayon ang post ni Direk Bobet Vidanes kung saan ibinahagi niya ang picture nila ng mga dating host ng It's Showtime na sina Billy Crawford at Kim Atienza. Sa kanyang caption ay inilarawan niya ang dalawa bilang mga forever, good at true friends niya.

Direk Bobet Vidanes, ibinahagi ang picture ng kanyang "true friends" na sina Billy at Kuya Kim
Billy Crawford (Photo by Tony Barson Archive/WireImage)
Source: Getty Images

Limitado lamang ang maaring makapagkomento sa naturang post na kanyang ibinahagi noong November 5 ng kasalukuyang taon.

Read also

Pagbati ni Kimpoy Feliciano kay Heaven Peralejo, viral na

We are together..forever, Good friends! TRUE friends! Good to be with you guys..

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang naging kontrobersiyal ang kanilang mga paglipat ng estasyon kasunod ng pagkakawala ng prangkisa ng ABS-CBN. Sa kanyang kaarawan kamakailan sa noontime show ng TV5, naglabas si Direk Bobet ng kanyang saloobin.

Dito niya nabanggit sa unang pagkakataon ang aniya'y tunay na dahilan ng kanyang pag-alis sa It's Showtime. Aniya, ang kanyang dahilan ay para sa kanyang kalusugan dahil hindi na umano healthy na mag-stay pa siya doon.

Nabanggit niya rin ang tungkol sa pagkakadagdag umano ng bagong host nang hindi niya alam.

Si Billy Crawford o Billy Joe Ledesma Crawford ay isang Filipino-American actor at TV host na sumikat sa international music scene dahil sa kanyang awiting "Bright Lights," "Trackin'", "When You Think About Me" at "You Didn't Expect That"

Read also

Barbie Hsu at mister na businessman, tuluyan nang naghiwalay

Isa siya sa pinakahinahangaang TV host sa ABS-CBN at ilan sa kanyang mga programa kung saan siya ay naghost ay Pinoy Dream Academy, Pilipinas Got Talent, Your Face Sounds Familiar, Pinoy Boyband Superstar, Your Face Sounds Familiar Kids, Little Big Shots at Idol Philippines.

Kinagiliwan ng netizens ang photoshoot na isinagawa para sa anak nilang si Amari sa pagdiriwang ng ika-pitong buwan nito.

Kinaaliwan ng netizens ang cute na video ni Amari na binahagi ni Billy kamakailan.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel