Barbie Hsu at mister na businessman, tuluyan nang naghiwalay

Barbie Hsu at mister na businessman, tuluyan nang naghiwalay

- Matapos mapabalita ang tungkol sa kanilang paghihiwalay nitong taon, tuluyan nang isinapubliko ng Taiwanese actress na si Barbie Hsu at ng kanyang mister ang kanilang paghihiwalay

- Lumabas ang balita tungkol sa umano'y pinagdadaanang pagsubok ni Barbie Hsu at ng kanyang asawa nitong Hunyo ng kasalukuyang taon

- Nauna na ring sinabi ng Meteor Garden star nag-file umano siya ng divorce sa kanyang asawa na nakasama niya sa loob ng 11 taon

- Nitong November 22, naglabas ng statement sina Barbie Hsu at Wang Xiaofei sa pamamagitan ng kanilang mga abogado

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos ang maugong na usap-usapan kaugnay sa paghihiwalay nina Barbie Hsu at mister nitong businessman na si Wang Xiaofei, pormal nilang isinapubliko ang kanilang desisyon na maghiwalay sa pamamagitan ng kani-kanilang mga abugado.

Barbie Hsu at mister na businessman, tuluyan nang naghiwalay
Barbie Hsu (@barbiehsu_das)
Source: Instagram

Matatandaang Ayon sa ulat ng Today online naka unfollow na rin umano ang aktres sa social media account ng kanyang asawa na lalong nagpaigting sa kumakalat na balita.

Read also

Sachzna Laparan, ibinahagi ang video ng umano'y pulis na aniya'y nanakot sa kanila

Ayon pa sa ulat ng CNA Lifestyle noong Hunyo, sinabi umano ni Barbie na hindi alam ng kanyang asawa ang kanyang pag-file ng divorce.

Gayunpaman, sa ulat ng Straight Times, ayon sa ina ng aktres, nasabi lamang iyon ni Barbie dahil sa kanyang emosyon. Pinabulaanan nito ang tungkol sa balitang makikipag-divorce ang anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Base sa inilabas na statement, paghahatian umano ng dalawa ang kanilang assets na nagkakahalagang $46.6 million. Paghahatian din nila ang S Hotel nila sa Taipei na nagkakahalaga ng $350 million.

Pinasalamatan nila ang publiko sa pagmamahal at pagsuporta sa kanila. Hiniling din nila na sana ay irespeto ang kanilang naging desisyon at humiling din sila ng "more personal space."

Si Barbie Hsu ay kinasal sa Chinese entrepreneur na si Wang Xiaofei noong 16 November 2010 sa isang civil ceremony sa Beijing.

Read also

Madam Inutz, nag-react sa isyu ng harassment sa PBB: "Galit ako sa taong mapanghusga"

Pinakanakilala siya nang gumanap siya Sancai sa 2001 television series na Meteor Garden kung saan naitambal siya kay Jerry Yan.

Samantala, matatandaang kinailangang isuko ni Barbie ang kanyang pagbubuntis matapos tumigil ang pagtibok ng puso ng kanyang dinadala noong 2018.

Hinangaan din ang kanyang pagkakapanatili ng kanyang kaaya-ayang pangangatawan at kagandahan kahit pa nasa mahigit 40 anyos na ito.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel