Sachzna Laparan, ibinahagi ang video ng umano'y pulis na aniya'y nanakot sa kanila

Sachzna Laparan, ibinahagi ang video ng umano'y pulis na aniya'y nanakot sa kanila

- Usap-usapan ngayon ang post ni Sachzna Laparan sa kanyang Facebook account kung saan ibinahagi niya ang video ng umano'y pananakot sa kanila ng isang nagpakilalang pulis

- Ayon sa kanyang Facebook post, naganap iyon sa isang restaurant na hindi na niya pinangalanan

- Aniya, pinagbigyan na lang nila sila noong unang nagmatigas silang huwag lumipat kahit nakareserve umano ang table para sa kanilang kamag-anak

- Pinagbantaan pa umano sila na kakasuhan sakaling ilabas nila ang video ngunit ayon sa vlogger ay ibinahagi niya iyon para sa awareness ng publiko

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang Facebook post ay binahagi ni Sachzna Laparan ang umano'y dinanas nila sa isang nagpakilalang pulis na aniya'y nanakot sa kanila. Maging ang kanyang kapatid na 15 anyos ay na-trauma daw dahil sa nangyari.

Sachzna Laparan, ibinahagi ang video ng pulis na aniya'y nanakot sa kanila
Sachzna Laparan (@sachzna)
Source: Instagram

Ayon sa kanya, pina-reserve nila yung katabing upuan para sa kanilang kamag-anak na parating pa lamang. Nang may pumasok na couple, umupo umano ang mga ito sa pina reserve nilang upuan kaya kinausap umano sila ng manager kung pwede silang lumipat ng table.

Read also

Jennica Garcia, binura ang mga pictures sa IG matapos makatanggap ng message mula sa ama

Hindi umano sila pumayag kaya sila na lamang ang pinakiusapan ng manager. Pumayag umano silang ilipat ang kanilang reservation dahil aniya ay mas malaki ang table na lilipatan.

Inakala daw nilang maayos na ang lahat ngunit nakarinig umano sila ng pagrereklamo mula sa table kung saan nakaupo ang dalawang customer.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Until narinig naming may mga biglaang rants sa kabilang table at biglang galit nalang ng di namin alam. Nung lumapit yung isa sa mga staff nila to cater their orders.. Tinaasan sya ng boses at sinabing “ Magkano ba lahat ng mga inorder nila, babayaran ko! ( habang nakatingin samin ) At naglabas ng bugkos ng pera sa bag at hinampas sa table. We are shocked by what he did dahil tahimik lang kaming kumakain. Pero binastos kami at nagtanong si mama na ano pong problem and this happens…..

Read also

Anji Salvacion, muling naging nominado dahil umano sa 'immaturity'

Aniya, na-trauma ang kanyang kapatid dahil sa nangyari ngunit kinausap umano nila at pinaliwanag na hindi lahat ng pulis ay ganoon.

Aniya, binastos sila kaya magsasalita siya lalo at alam niya raw na nasa katwiran siya.

May mga taong sasabihing sana di nalang pinatulan pero kung ikaw yung nasa sitwasyon, na gusto mo lang kumain ng matiwasay pero LALAPAGAN KA NG PERA AT AAKMAANG SILA PA ANG BINASTOS AT BIBILHIN KA. IKAW NA NAGPARAYA, IKAW PA NAGING MASAMA, AT BABANTAAN NG KUNG ANO ANO. Iba na yun. Magsasalita ako lalo nang alam kong nasa katwiran ako.

Nilinaw niya rin na hindi niya gustong mamahiya. Bagkus ay ibinahagi niya umano iyon para sa awareness ng mga taong maaring makararanas din ng kanilang dinanas.

Si Sachzna Laparan ay isang actress, model at social media influencer. Siya ay isa sa kilalang mga vlogger sa bansa na may mahigit dalawang milyong subscribers. Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Love Life (2019), Happy Breakup (2017) and Nothing But the Bests! (2017).

Matatandaang naging usap-usapan ang pagsasapubliko ni Sachazna at ni Jomar Lovena na hindi na sila mapapnood na magkasama sa vlog. Kinalaunan ay pinakilala nila ang kani-kanilang mga karelasyon sa totoong buhay.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel