Raffy Tulfo, sinupalpal ang sekyu na nagpanggap na pulis sa 1 viral video

Raffy Tulfo, sinupalpal ang sekyu na nagpanggap na pulis sa 1 viral video

- Hindi pinalagpas ni Raffy Tulfo ang isang lalaking nanakot at naghamon sa mga street vendor sa isang viral video

- Bukod dito, nagpanggap pa itong pulis na maririnig din sa video

- Napag-alaman naman na isa pala itong security guard

- Sinubukan naman itong hingan ng salaysay ng programa ni Tulfo ngunit hindi ito sumasagot sa mga tawag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Mabilis na nagviral ang video ng isang lalaki na naghahamon at nananakot ng mga street vendor.

Bukod dito, nagpanggap at nagpakilala pa ito bilang isang pulis.

Sa video, maririnig pang hinahamon nito ang mga vendor na tumawag ng pulis.

Makikita rin nang ihagis ng lalaki ang ilang sa panindang pagkain ng mga vendor.

Bagamat kalmado ang mga ito ay makikita naman na pilit na nakikipag-usap ng maayos ang mga vendor sa lalaki.

Samantala, nakarating kay Raffy Tulfo ang tungkol sa viral video at hindi pinalagpas ang ginawa ng lalaki na nakilalang si Rex Baltisoto, isang security guard.

Base naman sa Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA), nakarating na sa kanila ang tungkol sa viral video at kasalukuyan na itong iniimbestigahan.

Ayon kay Major Jojo Sabeniano, hepe ng Complaints Investigation Division ng SOSIA, maaaring matanggalan ng lisensiya si Baltisoto kapag napatunayang nagkasala ito.

Pero sabi ni idol Raffy, sapat nang basehan ang nagviral na video para matanggalan ng lisensiya ang sekyu.

Maaaari rin itong makasuhan dahil sa pagpapanggap nito bilang isang pulis.

Ayon pa kay Tulfo, sinubukan nilang kontakin si Baltisoto upang hingan ng pahayag ngunit hindi ito sumasagot sa tawag ng kanilang programa.

Halata naman na hindi nagustuhan ni Raffy Tulfo ang ginawa ng security guard sa mga vendor.

Anito, gagawin nito ang lahat upang masibak at makasuhan ng lalaki.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel