Rob Moya, todo-pasalamat kay Toni Fowler dahil sa pagtulong nito sa kanya

Rob Moya, todo-pasalamat kay Toni Fowler dahil sa pagtulong nito sa kanya

- Naibahagi ni Rob Moya ang kanyang mensahe kay Toni Fowler sa kanyang panibagong vlog

- Pinasalamatan niya ito sa pagsuporta nito sa kanya matapos niyang malugmok nitong taon

- Si Toni umano ang tumulong sa kanya upang makalipat siya ng bahay na aniya ay nasa isang payapang village

- Bilang pasasalamat ay pinuntahan ni Rob si Toni at iba pa nilang kasamahan sa ToRo condo at may mga bouquet siyang dala para sa kanilang lahat

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagkaroon man ng alitan, muling naging maayos ang pagkakaibigan ng dating magkasintahang sina Toni Fowler at Rob Moya. Sa katunayan ay si Toni umano ang mismong tumulong kay Rob na makapaghanap at makalipat ng bahay.

Rob Moya, todo-pasalamat kay Toni Fowler dahil sa pagtulong nito sa kanya
Rob Moya
Source: Facebook

Sa kanyang ibinahaging video ay inamin ni Rob ang malaking tulong na naibigay sa kanya ni Toni. Bilang pasasalamat ay pinuntahan niya ito sa ToRo condo at nagdala siya ng mga bouquet para sa kanilang mga kasamahan sa condo.

Read also

Rob Moya, kinumpirmang hiwalay na sila ng girlfriend na si Jen

Nilinaw naman ni Rob na hindi sila nagbalikan ni Toni kaya sana umano ay huwag nang lagyan ng ibang kulay ang kanilang pagiging malapit na magkaibigan.

Muli silang nag-usap ng masinsinan at ibinahagi ni Rob kung gaano niya pinasasalamatan si Toni. marami naman sa kanilang mga tagahanga ang natuwa:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Cheer up Daddy Rob, it's ok. I hope you will get well na and siguro di talaga kayo para sa isat isa and i'm so shookt about that andito lang kami always sa tabi mo ikaw parin ang susuportahan namin hanggang dulo ikaw at ikaw parin kahit marami ang nanghuhusga sa yo.
Masaya akong nakikita ko kayong masaya, not just as bestfriends, but as a family, as a TORO FAM... Di man kayo magkabalikan, it's okay for me... Magkabalikan man kayo o hindi, I love that you guys have a good relationship I will always love you both

Read also

Maymay Entrata at Mimiyuuuh, binahagi kung paano nagsimula ang pagkakaibigan

Si Rob Moya ay isang aktor na naging karelasyon ng vlogger na si Toni Fowler. Nakilala siya sa YouTube bilang si Daddy Rob dahil marami ang humanga sa pagtayo nito bilang ama sa anak ni Toni.

Matatandaang unang inamin ni Toni na single na siya. Kasunod nito ay nagbahagi din ng mga makahulugang mensahe si Rob sa social media.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel