Madam Inutz, nominado sa unang pagkakataon sa PBB house

Madam Inutz, nominado sa unang pagkakataon sa PBB house

- Sa kauna-unahang pagkakataon, napasama sa mga nominado si Madam Inutz

- Ito ay matapos na matalo ang kanilang team, dahilan para maging nominado silang lahat

- Bago ito maganap, natanong pa siya ni Kuya kung gagamitin niya ang immunity niya para masagip ang isang housemate o maging ang kanilang sarili

- Si Brenda Mage na nabigyan ng power para ma-save sa nomination ang housemate, ay ginamit naman ito para sa kanyang sarili

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Makalipas ang halos dalawang buwang pamamalagi sa Pinoy Big Brother house, unang beses lamang umano ni Madam Inutz na mapasama sa mga nominado na maari nang lumisan sa Big brother house.

Nalaman ng KAMI na naitanong pa siya ni Kuya sa confession room kung gagamitin na ba niya ang power to save niya para sa kanyang sarili.

Madam Inutz, nominado sa unang pagkakataon sa PBB house
Madam Inutz (Pinoy BIg Brother ABS-CBN)
Source: Facebook

"Kuya hindi po muna. Alam ko pong ginawa ko 'yung best ko pra sa mga weekly task na ibinibigay mo sa amin at 'di ko talaga deserve na mapasama sa nomination at alam kong susuportahan ako ng mga tao sa labas," paliwanag ni Madam Inutz na walang kaalam-alam sa susunod na mangyayari.

At nang i-anunsyo na nga ni Kuya ang bilang ng mga nominado, laking gulat ng grupo nina Madam Inutz dahil bukod sa automatic nominated sa pagkakatalo ngayong linggo sa kanyang task, double eviction muli ang magaganap sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Kuya nabigla ako kuya! Dalawang eviction na naman ang magaganap, 'di ko ginamit power ko," nanghihinayang na nasabi ni Madam Inutz.

Dahil dito, todo ang suporta ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino para manawagan sa publiko para maisalba si Madam at huwag munang ilabas sa bahay ni kuya.

Sa official Facebook page ni Madam Inutz na Daisy_licious Ukay, doon naibahagi ang panawagan ng mga admin nito para ituloy ang laban ni Madam Inutz sa PBB house.

Narito naman ang kabuuan ng video mula sa Pinoy Big brother YouTube:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng pagsisikap ni Madam Inutz.

Ngayon kahit nasa loob ng bahay ni Kuya, patuloy pa rin siyang sinusurpresa ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino na binigyan pa siya ng house and lot bago siya pumasok sa PBB house.

Kamakailan ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Madam Inutz at nagkaroon ng party sa loob ng bahay ni Kuya matapos mapagtagumpayan ng housemates ang kanilang task.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel