PBB Eian sa nararamdaman niya kay TJ: "Hindi ko talaga gusto"

PBB Eian sa nararamdaman niya kay TJ: "Hindi ko talaga gusto"

- Muling nahagip ng camera sa bahay ni Kuya ang paglalabas ng saloobin ng mga housemates sa isa't isa

- Isa na rito si Eian Rances na hindi lamang pala kay Anji may sama ng loob kundi lalo na kay TJ

- Aniya, isa rin sa kanyang napansin kay Tj ay ang pagkuha nito sa loob ng mga nakababata nilang housemates

- Umalma siya rito gayung marami raw nasasabi si TJ sa mga batang ito lalo na kay KD

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi nakawala sa mga camera sa bahay ni Kuya ang mga hinaing ni Eian sa ilang housemates partikular na kay TJ.

Nalaman ng KAMI na maliban kay Anji na aminado umano siyang pinagtampuhan niya dahil sa pinaglagyan nitong grupo sa kanya, isa rin si 'TJ' sa itinuturing niyang problema sa loob ng bahay ni Kuya.

Read also

PBB Karen, 'di napigilang maglabas ng saloobin kay TJ: "Nakaka-bad trip talaga"

PBB Eian sa nararamdaman niya kay TJ, "Hindi ko talaga gusto"
Eian Rances (Photo from Pinoy BIg Brother)
Source: Facebook
"Ang only one na may problema ako, iba talaga gusto... is that guy. He's playing so well, sa lahat inside this house."

Muli ring nabanggit ni Eian ang imano'y tampo niya kay Anji dahil sa paglalagay nito sa kanya sa grupo kung saan wala siyang masyadong ka-close.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Nagtatampo lang din ako sa isang tao na hindi ko pwedeng sisihin pero parang ganun na nga... Kasi hindi ako masaya ngayon, ang bigat ng mga araw ko,"

Isa rin sa mga naikwento ni Eian sa ka-grupo na si Jordan patungkol muli kay TJ ay ang pagkuha umano ng loob nito sa mga nakababata nilang housemates.

"Kinuha niya yung loob ng mga bata, pero may problema siya sa mga 'yun ah! Ay, grabe siyang magsalita kay KD, grabe siya magsalita kay KD"

Read also

PBB TJ, emosyonal dala ng nalalapit na eviction: "Posibleng-posible na umuwi na ako"

Sinang-ayunan naman ito ni Jordan na noo'y kausap ni Eian at sinabing sinisikap niya na siya nalang ang ituring na kuya ni KD.

Narito ang kabuuan ng video kung saan naglabas din ng saloobin ang iba pang mga housemates:

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Matatandaang sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Ngayong 2021, pawang mga celebrity ang pumasok sa bahay ni kuya at ang ilan sa kanila ay sina Madam Inutz, Brenda Mage, Alyssa Valdez, Samantha Bernardo, Chie Filomeno, Alexa Ilacad.

Samantala, kamakailan ay naging kontrobersyal ang housemate na si TJ Valderrama dahil umano sa pagiging malapit niya kay Shanaia.

Napansin ito ng mga tagasubaybay ng show at sinabing tila harassment na umano ang nagagawa ni TJ sa kasamang babae.

Subalit agad namang binigyan ng tuldok ang isyung ito nang mismong ang mga housemates na ang nagkumpirmang walang harassment na nagaganap sa loob ng bahay ni Kuya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel