PBB Karen, 'di napigilang maglabas ng saloobin kay TJ: "Nakaka-bad trip talaga"

PBB Karen, 'di napigilang maglabas ng saloobin kay TJ: "Nakaka-bad trip talaga"

- Hindi napigilan ni Karen Bordador na maglabas ng kanyang saloobin kay TJ Valderrama

- Ito ay bilang bahagi ng pagkakahati ng mga housemates sa dalawang grupo na labis na nakaapekto sa kanila

- Ayon kay Karen, tila hindi na raw umano maganda ang ipinakikita ni TJ patungkol sa mga task nila bilang nasa isang grupo

- Imbis na lumakas daw kasi ang kanilang loob tila puro negatibo na ang nararamdaman nila mula kay TJ

- Subalit matapos na magkalabasan ng saloobin, nagpasalamat naman din sila sa isa't isa at napag-usapan nila ang tungkol sa bagay na iyon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagulat ang marami sa komprontasyong naganap sa pagitan nina TJ Valderrama at Karen Bordador ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Matapos ang isa sa kanilang mga task, tila sumabog na si Karen na kinausap si TJ sa girl's bedroom.

PBB Karen, 'di napigilang maglabas ng saloobin kay TJ: "Nakaka-bad trip talaga"
Karen and TJ
Source: Facebook

"Sobrang negatron na nga 'nung sitwasyon e... Sobrang pessimist mo talaga!"

Imbis daw kasi na ma-motivate si Karen at iba nilang ka-grupo, tila nawawalan sila ng gana sa ipinakikitang kawalan ng gana ni TJ.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon pa kay Karen, isa umano siya sa mga supporters ni TJ at masasabi pa niyang number 1 supporter siya nito sa pagtayo nitong lider ng kanilang grupo subalit hindi naman daw niya maramdaman ang suporta ni TJ sa kanya.

Bago matapos ang kanilang usapan, nagkaayos naman ang dalawa lalo na at sinabi ni Karen na hindi umano siya galit kay TJ. Nais lamang niyang ilabas ang kanyang saloobin ukol sa nasabing kapwa niya housemate.

Sina Karen ang dalawa sa apat na nominado ngayong linggo kabilang din sina Samantha Bernardo at Alexa Ilacad.

Narito ang kabuuan ng video:

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Matatandaang sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Ngayong 2021, pawang mga celebrity ang pumasok sa bahay ni kuya at ang ilan sa kanila ay sina Madam Inutz, Brenda Mage, Alyssa Valdez, Samantha Bernardo, Chie Filomeno, Alexa Ilacad.

Samantala, kamakailan ay naging kontrobersyal ang housemate na si TJ Valderrama dahil umano sa pagiging malapit niya kay Shanaia.

Napansin ito ng mga tagasubaybay ng show at sinabing tila harassment na umano ang nagagawa ni TJ sa kasamang babae.

Subalit agad namang binigyan ng tuldok ang isyung ito nang mismong ang mga housemates na ang nagkumpirmang walang harassment na nagaganap sa loob ng bahay ni Kuya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel